20 - Change + Steal

346 4 0
                                    

A/n Hi guys! This is a dedication chapter for the awesome @taekiyeo for making the awesome cover! Please request in her shop cuz yeah, it's awesome and so is she. <3

____

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

____

A few weeks later...

Wala namang— MARAMING BAGONG NANGYARI.

Pagpasok ko sa school, bumungad ba naman sa'kin ang isang GANGSTER looking na SAM?! Biruin niyo? Wala na ang glasses niya! At nakataas na ang buhok! The nerd looking Sammuel looks completely GONE. 'Di ko nga alam kung ano ang nangyari at kung bakit biglaang naging gano'n siya! Tapos 'yong damit niya... Nagmukhang siga!

Sa sumunod na mga araw pagkatapos ng pagbalik namin do'n sa trip, nag-iba siya ng bag, ginawa niyang sling bag 'yong sakanya! Tapos color black pa ito! Sa mga sumunod pa na araw, dahan-dahan nag-iiba 'yong buhok niya. It ended up like this 1980's hairstyle in Korea! Myghad! Ewan ko ba kung ano ang pinag-gagagawa sa buhay! Sa sumunod na linggo, nawala na ang kanyang mahiwagang GLASSES. Ewan ko ba kung nag-contacts siya or what pero nawala na talaga. Then sa sumunod na linggo, nag-iba na ang porma niya ng tuluyan! As in! Tuwing civilian day, he wears black or basta pang-80's bad boy ang style niya. Jusko. Then last week up to now, NAG-IBA NA ANG PORMA NIYA NG TULUYAN. Siga na talaga. Kung paano maglakad si Dao Ming Si! Parang gano'n!

Nakakagulat din na tuwing lunch time, hindi na kami ang kasama niya kundi ibang boys! 'Yong itsura nila, 'yong parang mga jejemon na ewan! Pero mukhang maayos 'yong pagka-siga ni Sam at hindi naman mukhang jejemon sa kalsada ang itsura.

Lunch namin ngayon kaya nandito na naman kami ni Tam sa usual table namin at pinag-uusapan si Sam. Mukha kaming tsimosa pero bestfriend namin 'yan.

"Ano sa tingin mo nangyari at biglang nagbago ng gano'n 'yon?" Tanong ni Tam habang kinakain ang sandwhich niya.

"Ewan ko nga rin 'e. Nagkaroon siguro ng inspiration para magbagong buhay. 'Di ko nga alam kung ano 'yon." Sabi ko naman habang sumubo ng kanin.

"Sa tingin mo, sa'n naman niya makukuha 'yong inspiration na maging parang siga?"

"Siguro a new taste of life thingy ang nangyayari sakanya?"

"Anong A New Taste of Life ka diyan! Baliw!"

Nagtawanan kami ngunit napatigil at napatingin sa isang taong gumugulo sa isip ko. Wayne.

"Bes, anyare sakanya?"

"Kaya nga 'e. What's with the hair?"

"Nasaan ang black eyeliner na minahal ko dahil sakanya?"

"Where's the black leather jacket?!"

Yes, ladies. Nakatulala ako sakanya ngayon at wala ang black leather jacket niya. Since uniform day ngayon, sinuot niya talaga ang uniform namin, which is a plain white polo! At kitang-kita ang makinis niyang kutis. Oo, makinis. Akala mo siya ang babae sa sobrang kinis. Tsaka ang puti, wala na akong masabi kung bakit ang puti niya! Tsaka the... Ugh, the hair. Gusto 'kong masuka. Ano bang nangyari sa buhok niya at tinanggal niya ang bangs?! Alam niyo 'yong on both sides na 'yong bangs?! Nagmukha rin siyang lalaki from the 80's pero 'yong... Playboy 'yong dating! Pero tae, ba't ang gwapo parin niya kahit gano'n?

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon