7 - Lunch.

742 35 3
                                    

A/n This is dedicated kay Ate@-Seraaa! Ang cute po ng book cover! Nagustuhan ko po talaga! Thank you so much po! <3 100/100 po ang ratings. Hahaha! <3 :)

---

Meri's POV

Vvvv.... Vvvv....

Pucha naman! Umagang-umaga, may nagtetext na! Wag nilang sisirain yung mood ko, kundi.... GAGAWAN KO LAHAT SILA NG LOKO PLANS!

Bumangon ako sa kama. Halatang sobrang gulo ng buhok ko kasi hindi ako nakapagsuklay since kahapon. Kinuha ko yung cellphone ko na nasa tabi ng kama ko.

Medyo nakapikit 'kong tinignan yung text sakin.

From: Ate JM

Meri! Tulungan mo naman ako! May gusto akong kunan ng revenge!!

-end-

Game ako jan! Si Ate pa! Parang big sis ko nayan 'e! Hmm, pero bakit? Ngayon lang kaya s'ya humingi ng tulong sakin.

To: Ate JM

Pwedeng-pwede Ate! Tutulungan talaga kita! Ikaw pa! Saan tayo magkikita? Tsaka Ate, ano ang problema?

-sent-

From: Ate JM

Sa school mo nalang. Alam ko naman yung lugar 'e. Malalama't-malalaman mo rin, matalino ka 'e.

-end-

Totoo naman si Ate. Hahaha! De joke, minsan hindi rin naman nalalaman lahat. Dumiretso na ako sa CR at naligo. Nagsuot ako ng pantalon at nagsuot ng shirt na may stripe ng color green at purple. Kumuha ako ng parte ng buhok sa side ng mga tenga ko at brinaid ito. Ipinagtali ko ito nung tapos ko ng i-braid habang yung the rest of my hair, nakalugay. Mahaba naman yung buhok ko, medyo hanggang waist. Hindi ko na inipit yung bangs ko gamit ang clip.
Bumaba na ako papunta dun sa dining room para kumain ng breakfast. Nahuli ko si Kuya na kumakain lang mag-isa. Kumakain s'ya ng pritong langgonisa.

"San mo naman balak pumunta ngayon? Gagawa ka na naman ba ng loko?" Tanong nito habang tinutusok yung tinidor sa langgonisa.

"Uhh.... Oo Kuya. May problema ka?"

"Wala. Dahil ba sa maghihiganti ka or may nagpapagawa sa'yo ng loko plan?"

"May nagpapagawa."

"For free?"

"Oo naman Kuya! Girlfriend mo yung magpapagawa 'e!"

"Si JM?! Bat naman magpapagawa yun ng loko plan sa'yo? Hinawa mo ba s'ya sa kalokohan mo?"

Napatayo s'ya bigla at binitawan ang kutsara at tinidor na hawak n'ya.

"Relax lang Kuya! Iingatan ko naman si Ate 'e! Big sis ko nayun 'no! Ay nako Kuya." Pinagpatuloy ko nalang yung pagkukuha ko ng kanin at saka linagay sa plato.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon