14 - LOKO PLAN Number 3 Part 1

413 9 0
                                    

A/n This is dedicated to Ms. baerrymilks !Hi Ate! Thanks for making the awesome cover! Maraming salamat talaga! :* *

 baerrymilks !Hi Ate! Thanks for making the awesome cover! Maraming salamat talaga! :* *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----

Meri's POV

Nandito na ako sa kwarto ko ngayon at nag-iisip ng plano para kay Juliet.

Sorry to say the word pero.. I wanna end things with that b*tch. 

I'm like, fudging tired na sa fact na hindi pa s'ya nakaka move-on dun sa sa malanding math teacher namen! And as much as possible, ayaw ko ng gumawa pa nang loko plans diba?

Gagawan ko na talaga s'ya ng loko plan na sigurado ako na makakabuti rin sakanya in the end.

After nung "Wayne is hot" incident, bumalik ulit ako sa klase. Buti nga hindi ako nahalata nung teacher namin kung bakit ako basa 'e, pero nakatingin naman sa'kin 'yung nga kaklase ko.

Nagpatuloy ang klase hangga't sa dinismiss kami at umuwi na ako, nagpasundo ako sa driver s'yempre.

Pagka-uwi ko naman, gumulong ako sa kama habang sinasabuntan ang buhok. Hindi matanggal-tanggal sa isip ko 'yung nangyari kanina. Ugh! Wayne kasi! Ano bang problema n'ya at kailangan ko pa s'yang makitang topless?

Pinagpatuloy ko nalang 'yung pagtingin sa FB account ni Juliet. Wala naman s'yang duplicate na FB na katulad ni Ate Cathleen na para sa parents.

Dun sa mga pics n'ya na kasama ang mga lalaki sa bar... mostly, mukhang Chinito o Mestizo, wala s'yang ka-trip na mukhang Moreno. Kaya n'ya siguro pinalutan 'yung math teacher namin. Tss.. kay landi ni Ateh.

So huminga nalang ako ng malalim. Pumunta ako sa isang dating website. Tinype ko 'yung full name ni Juliet dun sa name ta's nag-type ng random email na meron ako.

Since marami akong loko plans na kailangan ang internet, gumawa ako ng super daming emails incase. S'yempre, sinulat ko lahat ng mga password nun sa isang papel. Tsaka, minake sure ko na bawat email, iba ang address. Iba-iba ang email ko kahit personal account man. Alalahanin, this is the internet, this is basically the generation today, so dapat ma-ingat talaga at remain anonymous, only close people can know.

Nag sign-up na ako sa dating website na'yun at hinintay na magload 'yun. Huminga ako ng malalim at nagcross-arms habang nakatingin lang sa screen. Susme naman, ang bagal nung internet. Kinamot ko ang ulo ko at lumabas ng kwarto.

Sumilip ako sa sala at nakitang si Kuya ay naglalaro ng games sa Ipad n'ya. Putek naman! Naglalaro s'ya ng games! Pero 'yung games n'ya.. KAILANGAN NG WIFI!! Bwisit! Padabog akong pumunta sa kwarto n'ya at kumuha ng unan. Bumalik ulit ako dun sa pwesto ko kanina habang nakatingin kay Kuya.

"Kuya!"

Hindi sumagot.

"KUYA!!" Hindi parin sumagot. Huminga ako ng malalim saka inikot ang mata.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon