24 - Sick

309 5 0
                                    

Meri's POV

"Ano bang nangyari at nagkasakit ka ng ganito?" Tanong ni Kuya sa'kin habang nakahiga ako sa kama at umuubo.

Hinawakan niya noo ko. "May sinat ka. Hindi ka pwedeng pumasok sa school." Sabi niya at tumayo sa pagkaka-upo sa tabi ko.

" 'E Kuya, may exam kami ngayon!"

"Wala tayong magagawa! Nagpa-ulan ka 'e! Hindi ka kasi nagdadala ng payong. 'Yan tuloy ang napapala mo."

"Kuya kasi! Pwede naman akong mag-facemask sa school!"

"Hindi nga pwede! Ang kulit." Pinitik niya ao sa noo saka tumayo at lumabas ng kwarto.

Pagkatapos umalis ni Wayne sa bahay, well.. Uhh.. Nagkasakit ako. At minalas nga naman dahil ngayon ay exam namin. Nagpapasalamat ako at afternoon pa gaganapin ang exam para sa term na'to, pero kailangan ko gumawa ng paraan para makatakas ako kay Kuya dahil hindi niya ako pinapayagan na i-take ang exam kahit hapon pa naman gaganapin! Ang OA niya 'e! Alam ko namang worried bro lang siya pero ayaw ko 'yong magrereview ulit dahil nag-absent ako sa examination day!

Umubo na naman ako at uminom ng tubig. Iinom nalang ako ng gamot mamaya para mabawasan ang pag-ubo ko.

Nagsuot na ako ng facemask saka bumangon. Binuksan ko ang pinto at sumilip. Hmm.. Wala naman si Kuya, asaan na kayo 'yon?

Agad akong bumalik sa kwarto ko at nagbihis. Loose shirt tapos jeans. Kinuha ko ang facemask ko at sinuot na iyon. Kinuha ko narin ang mga reviewers ko at linagay sa backpack ng may naramdaman akong nagtext.

From: Wayne
Nasaan kana? Bakit wala kapa sa school?

Dug dug dug dug..

Bwisit na puso 'to. Hindi ko siya rineplayan! Bwisit siya! Dahil sakanya, PUYAT AKO! Okay lang sana kung nagpuyat ako kaka-aral pero hindi 'e, pero hindi 'e, napuyat ako dahil sakanya!! Kung ano-ano ang sinasabi!

" 'A Wayne, may tanong ako."

"Hmm?"

" 'Yong sinulat mo sa kamay ko—"

"Na gusto kita?"

'Gusto kita' mukha mo. Bwisit siya. As if maniniwala ako? Oo! Hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi niya! Dapat maniniwala na ako 'e pero naisip ko na parang biglaan nalang kasi niya ako nagustuhan so parang nagtataka ako. Or baka naman wala lang akong tiwala sakanya?

Naramdaman ko na naman na nagvibrate ang cellphone ko at nakita ko naman an si Tam ang nagtext.

From: Tam
HOY! Asaan ka?!

To Tam:
Nagkasakit ako! Leche nga 'e! Hintayin mo lang ako! Pupunta rin ako diyan!

Hindi na nagreply si Tam. Dahan-dahan ko namang binuksan 'yong pinto palabas ng kwarto. Nagtip-toe ako pababa ng hagdan. Nakarating na ako sa sala at nagtip-toe.

Kinakabahan na ako dahil narinig ko ang kilos ni Kuya sa kusina. Shet. Nandito siya. Akala ko ba wala na siya?! Ay oo nga pala, 'yong living room lang ang nakita ko kanina.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan pumunta sa main door at binuk—

Ba't—ba't hindi ko mabuksan?! Linakasan ko ang pagbukas pero hindi ko— TAKTENG. Bakit naka-lock?! Asaan 'yong susi?!

"Balak mo talaganag tumakas?"

"AY KALABAW!"

"Ang gwapo ko naman atang kalabaw."

Linakihan ko ang mata ko kay Kuya at tumakbo pabalik sa kwarto ko. Sinara ko agad ang pinto. Tinanggal ko ang facemask at itinapon ito sa kama. Bwisit si Kuya! Bakit kasi ayaw niya akong palabasin?! Alam 'kong worried lang siya sa'kin pero AKONG prinoproblema niya, worried sa grades kaya dapat mag-worry siya sa grades ko!

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon