Meri's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa park kung saan kami magkikita ni Kuya Gerald. Hay, na-miss ko na 'yong pagiging madaldal niya patungkol sa medical course niya.
Hindi ko akalain na ilang taon na pala nakalipas. Dati si Kuya Gerald ang mahal ko tapos ngayon...
Hayy, gusto ko lang naman maging makatotoo kay Kuya dahil naiisip ko na karapatan din naman niya malaman 'yon. Hindi narin ito kailangang malaman ni Wayne.
"MERI!"
Napalingon ako sa direksyon kung saan ko narinig ang pangalan ko at nakita si Kuya Gerald na naglalakad papunta sa'kin.
Ngumiti ako sakanya at kumaway.
Mabilis kaming nagyakapan at ginulo niya ang buhok ko.
"Kuya! Sabi ko ng wag mong guluhin ang buhok ko diba?"
"Sorry na, namiss ko ng gawin 'yon sa'yo 'e."
Pumunta kami sa parking ng kotse niya at sumakay do'n.
"Sa'n tayo pupunta Kuya?"
"Do'n sa bakery na paborito na'ten. Saka tayo magsight-seeing sa kung saan man."
Tumango nalang ako do'n sa gusto ni Kuya.
Naramdaman 'kong nag-vibrate 'yong phone ko kaya kinuha ko naman ito sa bulsa ko at tiningnan.
Wayne calling...
Agad ko naman sinagot ng may ngiti.
"Hello?"
[Nasaan ka?]
"Uhmm.. Nasa isang kotse?"
[Hah? Baket? Sa'n ka pupunta?]
"Relax, si Kuya Gwerald lang naman ang kasama ko."
[Baket mo siya kasama? May nangayri ba sa'yo?]
"Pfftt..." Pinipigilan ko nalang ang pagtawa dito, ang cute lang niyang mamoblema.
[At ngayon tumatawa kapa?]
"Ang cute mo lang kasi."
[...]
Hindi naman agad siya nakasagot.
[Okay, mag-ingat ka. Tawagan mo ako pag-uuwi kana hah.]
"Opo."
Nakangiti akong in-end ang call.
" *ehem* "
"Ay sorry Kuya! May sinabi kaba?"
"Wala naman, pero linanggam ako do'n 'a."
Natawa nalang ako ng mahina sa sinabi ni Kuya.
"Boyfriend mo?"
"Yep." Proud 'kong sabi, pero nagblush din ako ng kaunti.
Nakarating kami sa bakery na madalas naming kinakainan at nag-order ng pastry. Parehas kaming nag-order ng isang slice ng chocolate cake.
"Ba't mo nga pala gusto makipagkita?" Tanong ni Kuya habang kumakain ng cake.
"Hmm.. May gusto lang kasi ako Kuya na malaman mo."
"Huh? Ano ba 'yon?"
Napatigil naman ako sa pagnguya. "Eh, mamaya nalang Kuya. Magkamustahan naman tayo, tagal na nating hindi nagkikita 'e."
"Ay, nga pala. Ikaw ah, hindi mo sa'kin sinasabi na may boyfriend kana pala. Hinayaan mo nalang akong langgamin 'don."
"Sorry naman Kuya. Bago lang naman kasi kami at hindi pa gano'n katagal."
BINABASA MO ANG
Mahal Kita.....BAKLA!
Teen FictionBakit sa hindi lalaki pa ako nagmahal? Malas ba talaga ako? Tanga ba talaga ako? O talagang ginawa ito ng tadhana? -Meri Tasoro Credits to the cover by: @taehubae