3 - Fight!

1.2K 52 15
                                    

A/n This is dedicated to WATTPAD! This is for the best app ever! Thank you very much! <3

---

Meri's POV

"In the first place. Bat ginagawa 'to ng mga bata sayo? Bat ka nila pinagbabato ng mga papel at ibat-ibang gamit? At totoo bang ginaganyan mo ang mga nakakaibang estudyante na babae?"

Nakikinig ako ngayon sa pinto ng principals office. Kasama si Tam syempre, kaming dalawa. Nag-ea-eavesdrop kami ngayon sa CONVO ng malanding math teacher ko tsaka ng principal. Lalaki pa naman principal namin kaya nakakatakot.

Dala ko rin cellphone ko ngayon, rinerecord ko yung convo nila. Kasi naman incase na magkaron ng heart attack yung principal namin at mamaya man mahimatay siya at mamatay, sa galit at pilit na mapalayas ang malanding math teacher, at least may evidence ako para mapalayas ng tuluyan yun.

"SUMAGOT KA!"

"Opo."

"Umalis kana sa harapan ko! You're fired!!!!"

"Done!" Sinave ko na yung voice record saka tinago yung cellphone sa bulsa ng uniform ko. Narinig na namin ni Tam na pabukas na yung pinto kaya nagtago na kami agad sa isang wall para hindi kami makita.

Lumabas yung math teacher namin ng naka-yuko. Sinundan namin siya ng tingin hanggat sa umabot na siya dun sa classroom niya.

Liniligpit na niya yung mga gamit niya at linagay sa bag. Wawa naman si sir, ayan kasi, sa sobrang kalandian. Awww.....

"Hoy Meri, yung mukha mong yan, halatang hindi ka naman naawa kay sir." Si Tam. Hahaha! Kilala na talaga ako nito. Alam niya mga facial expressions ng aking fez.

"Just kidding. Kilala mo naman ako, kung nagawa ko na yung gusto ko. Bwuahahaha!" Tumawa ako wickedly. Yung parang tawa ni Dr. Evil sa Austin Powers. Hahahaha!

"Ay nako kahit kelan porket gan-"

"Meri."

O__O😳 Si sir!

Tumayo kami bigla ni Tam sa pagkaka-squat at hinarap si sir.

"Sir." Sabi ko. Hindi ako nakangiti. Cold expression lang ako.

"Mag-usap tayo."

Tumango nalang ako. Nauna nang maglakad si sir papunta sa isang kwarto. Susunod na ako pero bigla akong hinawakan ni Tam sa braso. "Mag-ingat ka 'a. Siguro naman talagang kakausapin kalang nun."

"Oo naman. Mamaya tuluyang i-judo karate ko na siya eh. Ako na bahala sakanya. Wag kana mag-alala." Hinawakan ko nalang yung braso niya at ngumiti.

Naglakad na ako papunta dun sa kwarto. Binuksan ko yung pinto at nakitang may table. Umupo ako sa harapan ni sir. Pinatong ko yung siko ko sa lamesa at dumekwatro. Ganyan ako makipag-usap sa mga taong katulad niya.

"Alam kong ikaw ang gumawa nun." Sabi niya.

"And so?" Tinaas ko yung isa kong kilay. I'm kinda liking this. Masarap siyang inisin.

"Dahil sayo, nawalan ako ng trabaho, dahil sayo lahat ng tao nagagalit sakin, at dahil sayo mawawalan ako ng pamumuhay at ipon." Hah! Yun lang yung sinabi niya. Wala na siyang ibang rason? Bat hindi niya sinabi na dahil sakin mawawalan na siya ng babaeng lalandiin? Takte niya.

Nag-roll eyes ako at natawa ng pilit. Halatang peke ang mukha ko. "Bat hindi mo pa sinama ang paglalandi kasama ang mga estudyanteng katulad ko?"

Nagulat siya dun sa sinabi ko. Sumigaw siya sa harapan ko. Ang bobo lang niya talaga magsalita para sakin. Ewan ko ba kung pano siya naging teacher. Tss...

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon