Meri's POV
Pasukan na ulit at sa totoo lang, wala akong gana. Wala akong gana makita si Tam tsaka si Sam dahil sa nangyari no'ng isang araw. Especially Sam. No comment ako sa pag-amin niya dahil alam ko na hindi ko naman masusuklian ang mga nararamdaman niya para sa'kin.. At wala akong balak suklian 'yong feelings niya.
Mas ayos ng masaktan siya keysa paasahin ko pa siya. Wala ding magandang idudulot.
Pumasok ako sa class at nagbasa-basa ng libro ng nakita 'kong pumasok si Tam. Akala ko tatabi siya sa'kin pero do'n siya sa malayo umupo.
What the heck.
Ba't sa malayo siya umupo?! What the heck talaga!
After mga ilang students ang pumasok, pumasok narin si Sam at hindi ko siya pinansin kahit ramdam ko 'yong tingin niya sa'kin. Tumabi siya sa'kin pero agad akong tumayo at lumipat sa likod. Tumayo naman si Tam at tumabi kay Sammuel.
Seriously, what the heck is happening?
Nagbukas at dumating na ang pinakahihintay ko.
Wayne.
Nakatingin lang siya sa'kin at dirediretsong naglakad papunta sa pwesto ko at tumabi.
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil as in sa tabi ko siya umupo.
Pumasok na 'yong professor at nagsimulang magdiscuss. Nagsusulat 'yong kanang kamay ko habang wala namang ginagawa 'yong kaliwang kamay ko. Si Wayne, nagbabasa ng libro gamit ang kaliwang kamay niya pang-flip ng page habang wala namang ginagawa ang kanang kamay niya.
Dahan-dahan 'kong naramdaman ang kanang kamay niya na hinahawakan ang kaliwang kamay ko. Kakalas sana ako sa pagkahawak niya pero mas hinigpitan a niya 'yong pagkahawak niya sa'kin.
Hindi ko naman mapigilan ngumiti habang nagsusulat sa kanang kamay ko. Hinawakan ko narin 'yong kamay niya. Sobrang thankful ako na sa kanan ako marunong magsulat.
"MS. TASORO AND MR. GALANG! ARE YOU BOTH SERIOUS RIGHT NOW?! HOLDING HANDS WHILE IN CLASS?!"
Agad-agad kaming nagbitaw ni Wayne ng kamay nung lumingon sa'min bigla 'yong mga kaklase namin.
"GET OUT OF THIS CLASS NOW!"
Napasimangot ako at linigpit 'yong mga gamit ko saka lumabas ng classroom. Nauna na akong naglakad at narninig ko sumara 'yong pinto sa classroom at sumabay sa'kin si Wayne.
"Wag kanang nakasimangot."
" 'Kaw kasi 'e!" Sigaw ko.
"Anong ako??" Natatawang tanong niya sa sarili. Onti nalang talaga masasapak ko na siya!
"Hinawakan mo rin naman kamay ko 'a, nakangiti kapa nga 'e." Natatawang sabi niya.
Tumigil ako at hinampas siya. "Isa pa! Sisipain kita!"
Natatawa siyang hinawakan 'yong kamay ko at hinila ako palabas ng school. Natawa nalang din ako. Ang tae kasi, payag nalang ako ng payag sa kung saan niya ako dalhin.
Naglakad kami ng ilang minuto tapos nakarating kami sa isang malaking building. Ang simple ng style nito tapos puro black and white lang 'yong kulay na nakikita ko sa building.
Magkahawak kamay kaming pumasok do'n at pumunta sa cafeteria nito. Hindi ba pang exclusive employees lang ang pwedeng makakain dito?
Hinawakan niya ako sa balikat at pinaupo sa isang pwesto. "Maghintay kalang dito sandali. Pwede karin bumili ng gusto mo." Binitawan niya ako saka siya umalis.
"Wait sandali, saan ka—"
Hindi ko pa natatapos 'yong sasabihin ko, lumayas na siya.
Napasimangot ako at inikot ang mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/21568117-288-k466617.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Kita.....BAKLA!
Ficțiune adolescențiBakit sa hindi lalaki pa ako nagmahal? Malas ba talaga ako? Tanga ba talaga ako? O talagang ginawa ito ng tadhana? -Meri Tasoro Credits to the cover by: @taehubae