13 - ATTACK!

398 14 2
                                    

A/n This is dedicated to Ate silveurs! Thanks ate for the cover! I love it!!! <3

A/n This is dedicated to Ate silveurs! Thanks ate for the cover! I love it!!! <3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

Meri's POV

Sinabi nanga pala 'yung mga details tungkol sa field-trip. Mga 3 araw kami dun. Pupunta kami sa mga beach resorts sa Subic para malaman kung paano sila nagma-manage ng hotel at kung paano ang service style nila para magustuhan ng mga tao na pumunta dun.

May rest day kami habang nasa trip, magdala daw ng swimming attire kung gusto magswimming. Since 'yung hotel na kung saan kami magste-stay 'e pagmamay-ari ng pamilya ko, nagkaroon ako ng obligasyon na i-tour 'yung buong klase na sasama sa trip, which sucks.

Ibibigay daw 'yung itinerary bukas for the schedules na magaganap sa buong trip. Nagbigay narin ng letter at napapirma ko na'to kay Daddy. Buti nga pinayagan n'ya ako. I mean, why wouldn't he? Sa'min naman 'yung hotel 'e.

Nasa school ako ngayon kasama si Tamina. Nagtatampo parin si Tamina dahil sa biglang nawawala nalang si Sammuel. Pero.. to be honest, nagtatampo rin ako. Edi parehas na kami ni Tam na nagtatampo! Hindi kaba magtatampo pag hindi na kayo pinapansin ng bestfriend n'yo dahil sa babaeng liniligawan n'ya?! Aish, pag nakita ko talaga si Sammuel, takte lang, sasabunutan ko 'yun at sisirain 'yung mapa-NERD n'yang glasses!

"Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari d'yan kay Sammuel. Masyado ng na-focus dun sa liniligawan n'ya. Nakikita ko naman s'ya dito sa school! Pero hindi n'ya ako pinapansin. Hindi naman sa hindi n'ya ako pinapansin, hindi n'ya ako NAPAPANSIN."

"Oo Tam, alam ko 'yang ibig sabihin mo." Sabi ko at umupo sa isang lamesa na walang tao. Umupo naman si Tam sa harap ko.

"Ilang weeks naba s'yang nawawala?" Psh.. hindi ko na alam. Sa ilang weeks ba naman kami namomoblema kung saan s'ya, paano paba namin malalaman kung ilang weeks na s'yang nawawala?

"Ewan ko ba dun." Sabi ko at kinuha 'yung binaon sa'king pagkain ni Kuya for snacks. Ugh, hanggang ngayon, hindi ako makaget-over na binabaunan pa ako ng pagkain.

"Kung tutuosin.. mga 2 weeks na natin siguro s'yang hindi nakakasama." Mukhang malungkot talaga si Tam. Ang close kaya nila! Kagaya 'yung dati, diba may project.. sila pa 'yung magpartner! Tsaka naalala n'yo bang si Tam ang nag-insist sa'kin na maging bestfriend namin 'yang si Sammuel? Haist. Close na kung close.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon