29 - Mutual

220 5 0
                                    

Meri's POV

Agad akong tumakbo sakanya. Nakita niya akong tumatakbo papunta sakanya at no'ng malapit na ako. Agad akong tumalon at yinakap siya ng mahigpit.

Mga ilang segundo siyang nakatayo habang 'yong mga hita ko ay nasa may beywang niya at nakayap ako sa may leeg niya. Naramdaman ko rin ang dahan-dahan niyang pagyakap sakin pabalik.

Pumasok kami sa loob ng condo niya at ipinatong niya ako sa counter. Kumalas kami sa yakap ng isa't-isa at ipinatong niya 'yong noo niya sa noo ko. Ang lapad ng ngiti niya habang ako naman.. Parang tanga na umiiyak pero nakangiti parin.

Hindi ko ma-explain 'yong saya na nararamdaman ko ngayon.

Nasa beywang ko na ang mga kamay niya ngayon habang nakapalupot parin braso ko sa leeg niya.

Natatawa kami na parang baliw. Siguro ganito talaga pag parehas kayong masaya sa presensiya ng isa't isa.

"Na-miss kita..." Sabi ko.

"Bakit hindi ka pumasok ng ilang araw?"

"Binigyan ko lang 'yong sarili ko ng panahon para makapag-isip." Bulong ko.

"Worth it naman pala 'yong paghintay ko." Ngumiti siya. Yinakap niya ako at ipinatong ko 'yong baba ko sa balikat niya habang yakap-yakap siya. Na-miss ko 'yong amoy niya.

Kumalas ako sa yakap niya at hinawakan siya sa balikat. Tiningnan ko siya sa mga mata at huminga ng malalim.

"Makinig ka ng mabuti dahil hindi madali sa'kin para sabihin 'to."

"Wayne Galang..."

DUG DUG DUG DUG...

"Gusto kita."

Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang binanggit ang dalawang salitang iyon. Nakita 'kong dahan-dahan siyang ngumingiti.

"Gusto kita, hindi ko alam kung kelan pero palagi—"

Hindi ko na natapos ang dapat 'kong sabihin dahil pinutol niya 'yon sa biglang paghalik niya sa'kin. Nagulat ako pero dahan-dahan din ako sumagot sa mga halik niya. Honestly, hindi ko naman kung pa'no humali, sinundan ko lang 'yong galaw ng labi niya. Tsaka triny 'kong galawin ang labi ko sa mga nakikita ko sa pelikula.

Tumigil na kami dahil sa kinapos na kami ng hininga pero ang laki ng ngiti namin. Yinakap niya ako at binuhat saka inikot-ikot.

Tae ba't ang saya sa feeling? 'Yong finally, hindi mas inuna mo kung ano talaga 'yong gusto mo tapos hindi mo na iisipin kung tama ba 'to o hindi. Hays ewan ko na. Basta ang alam ko, masaya akong kasama siya.

Binaba niya ako hinalikan sa noo.

"Upo ka sa couch."

Pumunta ako sa couch at umupo. Sumandal din ako do'n at maya-maya, tinabihan ako ni Wayne ng may dalang chips.

Napasimangot naman ako, akala ko naman kung anong pagkain ang ibibigay niya sa'kin, chips lang pala.

"Mukha kang disappointed, akala mo meal ibibigay ko 'no?"

"Alam mo namang mahilig akong kumain diba?"

"Chips binigay ko kasi gusto ko makipagkwentuhan."

Tumango nalang ako at nagsimulang kainin 'yong chips.

"So... Kelan mo ako nagustuhan?"

"Actually, hindi ako sigurado kung kelan pero parang no'ng palagi na tayong magkasama, naramdaman ko nalang na dahan-dahan na pala ako nagkakaro'n ng pake sa'yo."

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon