19 - CBT Day 3

251 7 4
                                    

A/n This is dedicated to @taekiyeo for making me this awesome yet simple cover! Hiii! Thank you sa pag-gawa ng cover! Nagustuhan ko talaga siya! Hope we become friends in the future! Saranghaeyooo! <3~~

A/n This is dedicated to @taekiyeo for making me this awesome yet simple cover! Hiii! Thank you sa pag-gawa ng cover! Nagustuhan ko talaga siya! Hope we become friends in the future! Saranghaeyooo! <3~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-jaydacez13

----

Meri's POV

Hindi ko sinasabi kay Tam 'yong sinabi sa'kin ni Wayne kagabi. Hindi pa ako handang paniwalaan 'yon, kung totoo man, pero sana nagloloko lang siya. Hindi kaya nakakatuwa! Sino bang matutuwa kung may sinabi sa'yo ang isang tao na may gusto siya sa'yo in an indirect 'way'? Unless na gusto mo ang taong 'yon at nag-assume ka sa sarili mo.

Nakahanda na 'yong mga bagahe namin dahil aalis na kami. Nag-enjoy naman ako sa business trip na ito.

Nakapila na kami ngayon sa bus para pumasok. Umupo ako sa parte na kung saan ang bintana habang si Tam naman nando'n sa aisle side.

Umandar na 'yong bus at sumandal na ako sa bintana.

Dapat ba akong kabahan at maguluhan? Hindi ko na alam 'tong nararamdaman ng puso ko 'e. Hinawakan ko ang dibdib ko at ramdam na ramdam ang tibok ng puso ko. Tsaka, wala rin namang mangyayari. Babalik rin kami sa dati pagbalik sa school!

"Meri, ano bang problema? Okay kalang? Kanina kapa tahimik."

"Hah? Hindi 'a! Okay na okay ako!"

"Tss.. Hindi mo ako malulusutan."

Tae naman kasi.

"Basta, sasabihin ko sayo. Wag lang ngayon." Tumango naman si Tam bilang sagot.

Buzzz...

Tiningnan ko ang cellphone ko.

From: Sam :)
Pwede ba tayo mag-usap mamaya? :)

Ano namang problema nito ni Sam?

"May problema ba si Sammuel?" Tanong ko kay Tam.

"Wala naman, bakit, anong meron?"

"Mag-usap daw kami mamaya 'e."

"Hayaan mo lang. Miss kalang no'n."

"Sira ka talaga!"

Natawa naman si Tam. Siguro nga. Miss ko rin naman siya 'e, bilang kaibigan siyempre.

Ipinikit ko na ang aking mga mata para matulog.

Dahan-dahan 'kong binuksan ang mga mata ko. Nakasandal na naman ako sa isang balikat. Alam ko na kung kanino 'to.

"Wayne, ano ba? Bakit ikaw na naman—"

Pagkatingin ko.. Si Tam lang pala. Natutulog  din. Bakit nga ba si Wayne—

Wait, nag-assume lang ba ako na siya 'yong nasandalan habang natutulog? Porket sinabi niyang may gusto siya sa'kin indirectly?? Ganito tayong mga babae 'e, mahilig mag-assume 'yon naman pala may ibang meaning 'yon tapos tayo pa ang nasaktan dahil kung ano-ano iniisip natin. Tapos pag nasaktan tayo, mangsisise ng kung sino-sino. Hindi naman sila 'yong nagpa-asa, tayo ang umasa. Edi siyempre, since tanga-tanga tayo, sakit ang dulot no'n. Ito na ata ang nangyayari sa'kin.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon