18 - CBT Day 2

336 8 3
                                    

A/n This chappie is dedicated to my new friend! @mintgyu ! Hi bess! Thanks for making me the amazing cover! Totally loved it! <3

----

Meri's POV

Ito ang ang araw kung kelan kami magpapahinga. May mga pumunta sa beach, meron rin namang naglalakad sa seaside para makita 'yung magandang view.

Ako? Tumambay sa kusina. Nandun kasi 'yung mga ka-close ko sa buong hotel kaya dun ako pumunta.

"Edi ano ng ginagawa niyo ngayon?" Tanong ni Kuya Leroy sa'kin.

"Free time namin ngayon Kuya. Binigyan kami ng oras na magpahinga para mamayong hapon dahil may mga pupuntahan pa kaming lugar para makita kung paano ang marketing management nila." Paliwanag ko.

"Gano'n ba? Ayaw mong pumunta sa mga kaibigan mo?"

"Ano kaba Kuya, ang tagal ko nangang hindi nakapunta dito, paaalisin mo pa ako?" Nagtawanan kami ni Kuya Leroy.

Talaga namang matagal ko na silang hindi nakakasama dahil paminsan-minsan nalang ako nakakadalaw dito dahil busy sa school.

Nagswiswimming rin ngayon si Tam sa beach at kasama siguro si Maura at 'yung mga iba 'kong kaklase. "Hindi mo ba papansinin 'yung isa mong kaibigan dito?"

"Kaibigan?"

"Ayun siya o."

Sinundan ko ng tingin 'yung tinuturo ni Kuya Leroy at tumapat sa glass window.

Nanlaki ang mata ko ng makita 'kong nandun si Wayne at nakapamulsa at nakatingin sa'kin. Nanlaki ang mata ko at humarap sa ibang direksyon pero sinilip ko parin siya. Kumindat siya bago umalis.

Ano bang balak niya?! May balak ba siyang ipahiwatig sa lahat na kung may anong relationship man kami??

Humarap ako kay Kuya Leroy habang nakangiti. " 'Aaa... Hehe, uhmm... Kuya, kaibigan ko nga, susundan ko lang ah?" Tumayo agad ako sa pagkaka-upo sa counter at hinabol si Wayne na palabas na ng restaurant. Makikita mo kasi ' ung buong kusina sa loob ng resto pero may glass na harang.

Naabutan ko si Wayne pero 'di ako makahinga dahil sa hingal na hingal ako. Ang bilis niyang maglakad samantala ako, kailangan ' ong tumakbo para lang mahabol siya!!

"Haist! Wayne! Hay, wait lang! Hayy.." Napahawak ako sa tuhod ko at huminga ng dahan-dahan.

"Hinahabol mo pala ako?"

Nanlaki ang mata ko saka siya hinampas sa balikat. "Ba't kasi kailangan mong magpakita dun? Hah?"

"Nasa resto kasi ako, kaya nung nakita ko 'yung kusina at nandun ka, edi hinintay ko nalang na tingnan mo ako."

"Hah? 'Yun lang 'yun??" Huminga ako ng malalim bago ko pa masapak 'tong lalaking 'to.

"Oo."

Ano bayan! May ine-expect paba ako? Tss.. Baliw lang ang mag-iisip ng gano'n para kay Wayne.

"Lakad tayo sa dagat?"

Napatingin ako sakanya at nakangisi lang siya.

Okay, ano bang dapat isagot ko dito?

Tweeet...

From: Kuya Leroy

Pumunta na kayo sa dagat!

Nanlaki ang mata ko at lumingon sa paligid ng makitang nandun si Kuya Leroy at 'yung mga ibang head staff ng nagsisignal sa'kin ng 'Fighting'!

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon