11 - Announcement and a CR scene!

461 18 0
                                    

Meri's POV

Ilang weeks na ang nakalipas at puro projects at assignments na ang meron kami. Pinapagawa kami ng mga thesis statements 'e.

Nabobored na ako sa totoo lang. 'Yung teacher namin, pa-fluent pang nalalaman sa English 'e halata namang mali ang pag-pronounce n'ya ng "v" at "f". Tss..

Like, 'yung "f" napro-pronounce n'ya ng "p"! Ta's "v" napro-pronounce n'ya ng "b"! Pinapagawan n'ya kami ng thesis statements dahil daw incase, kailangan daw namin makipag-argue or kailangan namin gumawa ng argumentative na topic para sa kompany, marunong kami.

Nung natapos na 'yung klase namin, agad naman akong tumayo sa pagkaka-upo 'ko. Hindi 'ko kaklase si Tam ngayon, nasa ibang klase kasi s'ya.

Umupo ako dun sa isang table na malapit sa bintana. 'Yung canteen kasi namin parang resto 'yung style, so may binatana s'ya na ang view ay 'yung garden.

"Mukha naman ang lalim ng iniisip mo." Umupo si Sam sa harap 'ko. 'Yung table kasi na pinuntahan 'ko, 'e 'yung pangdalawahan.

"Wala panga akong iniisip, malalim na agad? Wow hah." Sabi 'ko at napa-smirk.

Linabas 'ko 'yung mga graphing papers 'ko at pinakita sakanya. "Tingnan mo papers 'ko 'o!"

Kinuha naman n'ya 'yung papers 'ko saka inayos 'yung salamin na pababa ng pababa papuntang tip ng ilong n'ya.

"Nakapasa ka naman 'a. An'meron?"

" 'E parang baba masyado 'e!"

"Hindi 'a! Biruin mo, 5 mistakes lang!"

Oh, akala 'ko 10 mistakes 'e.

"5 lang?"

"Oo! May apat na mata nanga ako dito ta's hindi mo pa nakita? Hellooo? Ang lalim nga siguro ng iniisip mo."

"Hindi nga! Ang kulit! Sasapakin kita!" Tumayo at na ako at binigay sakanya 'yung akmang-sasapakin-posisyon.

"Woah! Joke lang!"

"Oy oy! Ba't hindi n'yo ako sinasama d'yan? Porket late ako 'a... I smell something fishy!"

"Tamina naman, tumabi kanga dun kay Meri! Tsaka, ano kaba, walang fishy! Si Meri kasi, masyadong OA. Akala n'ya 10 mistakes s'ya dun sa graphing test ng sales na pinakita siguro ng teacher n'ya."

"Ganern? Sapakin 'ko si Meri 'e."

"Ay grabe! Hindi ba ako dapat ang gumagawa nun!" Sabi 'ko at tumayo. Nagtawanan lang kami.

Maya't-maya, dumating 'yung mga ibang estudyante saka pumunta sa mga sarili nilang lamesa.

Kung sinabi 'kong "sarili" nilang lamesa, it's like, 'yung lamesa, may pangalan talaga nung mga grupo na umuupo dun! Wala akong gano'n. Basta! Hindi ako maarte masyado para maglagay ng pangalan sa isang upuan! Basta ang inuupuan 'ko 'e malapit sa bintana.

"Tingnan mo 'yung grupo ni Alex o. Parang naging dessert na nung wala s'ya." Sabi ni Tam at tinuro 'yung table ni Alex na tatlo nalang 'yung taong mga naka-upo dun.

Bago 'ko pa kasi inaway sila Alex, medyo marami sila. At least mga 5-6 members? And then... nung sinuntok 'ko s'ya ta's pinamukha 'ko sakanya kung gaano s'ya ka bobs, boom! Iniwan na s'ya agad ng mga kaibigan n'ya. Mga plastik.

"Uy, wala ka man lang bang kibo d'yan?" Kinalabit ako ni Tam sa siko habang ako naman naka-cross-arms lang.

"Ba't naman ako kikibo? Plastik 'yung mga kaibigan n'ya 'e, kinaibigan lang s'ya dahil mayaman s'ya, pero noong pinakita 'ko sakanila kung gaano ka bobs si Alex, 'yun, iniwanan agad. Mga hindi tunay."

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon