23 - Test

298 5 0
                                        

Meri's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos. Bwisit kasi si Wayne. Kung ano-ano ang sinusulat sa kamay ko! Dahil 'to sakanya!

Naalala ko 'yong mga sinasabi niya noong nagkasakit siya. Dapat naba ako maniwala sa lahat ng kilos at sinasabi niya dahil sa sinulat niyang ito? So.. Gusto nga niya ako?

Pumunta ako ng school ng inaantok. Ugh, paano na grades ko nito? Pagka-upo ko sa seat ko, nagstretching agad ako at ipinatong ang braso ko sa upuan at ipinatong naman do'n ang noo ko. Ipinikit ko na ang aking mga mata.

Naramdaman 'kong may tumabi sa'kin. Hindi ko naman pinansin 'yon at nagpatuloy sa lang sa pag-idlip nang maramdaman ko na sinisipa niya ang bandang gilid ng upuan ko. Gusto ba niyang bwisitin ako at gawan siya ng Loko Plan, hah?! Hindi nanga nakatulog ang tao dito dahil sa isang lalaki na may black leather jacket tapos ganito pa siya?!

Agad akong napa-upo at tumingin sa katabi ko.

...

SAM?! Anong bang—

"Ano bang problema mong lalaki ka? Hah?! Nakikita mo ng natutulog 'yong tao 'e!" Umagang-umaga bwinibwisit niya ako!

" 'E kasi naman wala akong maka-usap! Hindi ko kasama barkada ko!"

Nanlaki ang mata ko. Kelan pa natutong magsalita ng gano'n si Sam? Ewan ko pero naiinis na ako. Nagkakaro'n na ako ng masamang aura dito.

"Pake ko ba kung hindi mo kasama 'yong mala-jejemon mong barkada? Tsaka pwede bang ayusin mo 'yang buhok mo? Hindi bagay ang nakataas na buhok sa'yo! Mukha kang gangster sa Korea noong mga 1980s!" Ginulo ko ang buhok niya pero hinawakan niya ito.

Nanlaki ang mata ko ng maharass niyang binitawan ito at nagmura habang inaayos ang buhok niya. Ano bang nangyayari sakanya? Ba't ba siya nagkakaganyan? Sinapian ba siya ng espirito ng isang gangster? Jusko. Hindi 'yong gangster na magaling magsigarilyo o makipag-bugbugan lang 'a, 'yong gangster na nakakabugbog hangga't sa mapatay na niya 'yong tao! Ang tunay naman kasi na gangster, sa pagkakaalam ko ay isang criminal na kasali sa isang gang at matay-tao. Hindi 'yong tipo na pogi at mukhang bad boy, tapos nakikipaglaban lang tapos may grupo-grupo ekek ng nalalaman, kaya lang natawag na gangster.

Anyway, itong si Sammuel kasi, ewan ko sa engot na'to pero mukha talaga siyang isang high school criminal sa Korea noong 1980s.

Naiinis na ako kaya hindi ko nalang siya pinansin. Minura ba naman ang pagka-gulo ng buhok niya? At kelan pa siya naging maarte sa buhok? Ibuhos ko 'yong gel sa mukha niya 'e. Tch.

Nagsimula ang klase namin pero.. Hindi siya nakikinig. Nakadekwatro at nakatingin lang do'n sa teacher maymukha na bored na bored. Ngayon, 'yong ugali niya 'yong tipo ng mga estudyante na palagi bagkasakan ang grades, etc.

Tiningnan ko siya sandali habang busy niya galawin ang paa niyang nakadekwatro. Nag-iba talaga ang porma niya. Since uniform day ngayon, naka-uniform pa naman siya...Pero alam niyo 'yong may siga ang dating na ng porma niya? Siguro dahil narin sa kilos. Ugh, what the eff is happening to him?

Dinismiss na kami no'ng professor namin. Agad akong tumayo at hinawakan ang kwelyo ni Sam saka siya kinaladkad papalayo.

"Aish, Meri! Ano ba—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, sinuntok ko na siya sa sikmura.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo at nagkakaganyan ang ugali mo, hah? Nasaan na ang Sam na kilala ko? Ano na nangyari sakanya?"

Napa-tiyaw (scoff) nalang siya. Pasalamat siya na mahaba ang pasensya ko dahil bestfriend ko siya, pero pag inubos niya ang pasensya ko, naku po.. Say bye-bye nalang to your money 'cuz of your hospital bills.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon