16 - Still In Love?

448 4 0
                                    

Meri's POV

Tweeet...

From: Kuya Gerald

Hi Meri! :)

Nanlaki ang mata ko sa text ni Kuya Gerald sa'kin. Ba't naman napa-text si Kuya sa'kin? Hindi ba busy siya sa medical school niya?

To: Kuya Gerald

Hi Kuya! Napa-text ka 'a! :)

Hindi na ako nakakuha ng reply pa. Ba't naman kaya biglaang nag-text si Kuya?

*tok tok*

Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at binuksan ang pinto. Obvious naman na si Kuya 'yun since kaming dalawa lang naman ang nasa bahay. Minsan nalang kasi umuuwi si Dad 'e. Busy masyado sa work, pilitin ko nga na matulog sa bahay!!

"Kuya?" Sinigurado ko na ako lang ang makikita ni Kuya sa pagbukas ng pinto.

"Ahhh.." Yumuko siya para tingnan 'yung cellphone niya habang kamot-kamot 'yung batok at tumingin ulit sakin. "Magbonding daw kayo, sabi ni Gerald."

Kuya Gerald? Inaaya akong magbonding? Bago 'yun 'a. "Gano'n ba Kuya? Hmm.. May sinabi ba siyang date and time?"

"Mamayang hapon. Mga 3:00 PM daw."

"Ah, sige. Thanks Kuya!" Sinara ko na agad 'yung pinto at sumandal dun.

Si Kuya Gerald.. Nag-aaya na magbonding kami? Bago 'yun! Dapat maayos ang suot k—

*tok tok*

Binuksan ko 'to ulit at nakitang nandun parin si Kuya. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Nag-iisip pa naman ako kung anong magandang susuotin!

"Kuya, ano na naman ba—"

"Pwede ba akong pumasok?"

Napatahimik naman ako. Ang seryoso ng mukha niya 'e. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. Umupo siya sa upuan na partner ng study table ko.

"Are you dating someone?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Kuya.

"What? Hindi 'no Kuya! Hindi ko naman siya gusto! Wala akong gusto kay Kuya!"

Tumayo siya sa pagkaka-upo at binatukan ako. "Aray! Takte Kuya, matatadyakan kita 'e!!"

"Sira! Wala akong sinabi na si Kuya Gerald! Basta kung meron man, meron ba?"

"Wala 'no Kuya! Wala pa akong nagugustuhan!" Sabi ko.

"Wala nga ba?"

Lumapit sa'kin si Kuya at tiningnan ako sa mata ng diretso. "Sasabihin ko lang na... Kung nagkaroon ka man ng boyfriend, piliin mo ang tamang lalaki na magmamahal sa'yo." Sabi nito sa'kin at pinatong ang kamay sa ulo ko.

Tamang lalaki na magmamahal sa'kin? Paano ko naman malalaman kung siya ba ang tama o hindi? Siguro may magmamahal sa'kin diba? Hindi ko lang alam kung tama ba o hindi.

"Kuya naman 'e! Matagal na kaya kaming hindi nagkasama ni Kuya Gerald! Promise! Wala naman akong gusto sakanya! Alam mo naman Kuya, diba? Nung tumira sa'tin sandali si Kuya Gerald, naging close kami."

" Malamang! Paano ba naman kayo hindi magiging close kung wala ako palagi sa bahay diba? 'E paano naman si Way-"

"Hep! Kung sasabihin mo ang pangalan niya, better shut-up nalang! Kundi... Alam mo na ang gagawin ko sa'yo Kuya!" Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Okay okay! Lalabas na ako!" Lumabas na si Kuya ng kwarto ko.

'Yun talaga. Hay, ang kulit! May karapatan naman siyang makisingit sa buhay ko pero ang kulit lang! Talagang babanggitin pa 'yung pangalan ni Wayne! Ano 'yun, iniisip rin niya na may gusto ako dun? I'm like, no way! Hinding-hindi ako magkakagusto dun! Imposible! Kay Kuya Gerald parin ako...

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon