2 - LOKO PLAN Number 1

1.2K 61 10
                                    

A/n This is dedicated to "mysweetstories." Hi po! Ang ganda po ng one shot book niyo po na "My Birthday Surprise For Cookie Monster." Ang ganda po niya kahit one shot lang. :)

---

Meri's POV

1...

10...

30....

50...

70...

100...

150...

200...

Putek! Gawin ko nangang 300 copies!

Hulaan niyo kung ano ang ginagawa ko? Hahaha! I'm printing the photos of sir. Ipopost ko nalang sa mga wall at bulletin
board ng school itong hating gabi. Bwuahaha! Just to tell you, 24 hours open ang school namin noh! Pagdating ng mga gabi, guard nalang ang nandun, wala na atang students eh, pati yung mga college.

Binilhan ako ni Kuya ng mga 10+ ink kaya ganito kadami ang na-print ko. Ang saya ko lang talaga sa plano ko mamaya, hehehe.

Lumabas ako ng kwarto dala yung mga papel na nasa isang paper bag at bumaba papunta sa sala.

Linagay ko yung paper bag sa isang couch saka umupo sa harap ni Kuya na kumakain ng fried chicken. Sarap!

"Kuya!"

"Ay putek!" Nabitawan niya yung chicken na hawak niya at nahulog sa floor.

"Hahahaha!" Tawa lang ako ng tawa.

"Ay nako Meri, sayang naman." Pinulot niya yung chicken sa floor saka tinapon sa basurahan.

"Busy ka kasi sa kinakain mo eh kuya!" Kumuha narin ako ng chicken at kinain ito. Grabe ang sarap. Saan kaya ito galing?

"Kuya, san mo toh nabili?" Tinuloy ko nalang ang pagkain ko ng chicken. Ang sarap eh! Tiningnan ko nalang yung box para malaman kung saan siya galing. Hindi ako sinagot nung ugok. -__-

"Meri, bat may mga photos ka ng teacher mo?"

😬😬

Pagkarinig ko nun, tumayo ako agad at hinarap si Kuya. "Kuya, hindi mo na kailangan malaman." Sabi ko saka kinuha yung paper bag sa kamay niya pero bigla naman niya akong hinawakan sa braso. "May ginawa ba yung teacher nayun sayo?" Tanong niya bigla. Kilala ako ni Kuya kaya alam niya kung ano ang plinaplano ko kung may mga dala akong unnecessary things.

Pinatong ko yung kamay ko sa balikat ni Kuya. "Kuya, I can handle this. 18 na ako 23 ka, 4 years na naka-lipas. 14 lang ako dati tapos ikaw 19, kaya Kuya, I can really handle myself. Trust mo naman ako diba?" Tanong ko.

"Pag-sinabi mo kung ano at bakit mo toh gagawin." Nag-smirk si Kuya.

Huminga nalang ako ng malalim. Umupo kaming dalawa sa couch at pinag-usapan yun.

----

"G*go yun 'a!" Tumayo bigla si Kuya.

"Hayy Kuya, ito ang rason kung bakit ko ayaw sabihin sayo eh. Parehas pa kayo ni Wayne ng sinabi." Tumayo nalang rin ako at pinakalma si Kuya. Kwinento ko rin yung damayan ako ni Wayne.

"Okay fine. I trust you na. Alam ko naman na matalino ka at magaling ka dito. Maghihiganti ka man dun o gagawa ka ng plano para sa taong sinaktan niya, I trust you. Basta, kay Tam mo lang pwedeng sabihin. Kung hindi pa siya naalis sa school nayun gamit ang plano mo, ako na ang kikilos. Hindi ka tanggap-tanggap yung ginawa niya sayo at sa mga ibang girls." Banta ni Kuya.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon