26 - The Rain

225 3 0
                                        

Author's Note: 

I would like to dedicate this chapter to my dear long lost friend and editor @iulyns for making the awesome cover I have right now! <3

___

Meri's POV

Nagmamadali na akong papuntang school dahil leche! Umulan kasi ng malakas kaya in-email kami ng teacher namin na hindi na matutuloy ang exam for afternoon classes tapos habang naglulunch ako, NAG-EMAIL ULIT NA TULOY NA ANG EXAM MAMAYANG HAPON!

Takteng, edi sana minove nalang niya ng tuluyan, hindi 'yong babaguhin niya ng biglaan 'yong schedule! Isaksak ko sa baga niya 'yong test paper ko.

Pagkarating ko sa klase, agad na akong nagbukas ng libro at brinouse ang mga rineview ko kagabi. Halos lahat kaming nasa klase natataranya dahil itong prof. namin na'to, sobrang haba magbigay ng exam kaya kailangan ma-review namin agad ang mga tinuturo niya for a short time.

Nakita ko naring dumating si Tamina at natataranta narin siya. Tumabi siya sa'kin.

"Bwisit talaga 'tong prof natin na pabigla-bigla!" Sabi niya.

"Tss.. Isaksak ko sa baga niya 'yong test paper 'e."

"Tama na'yan! Magreview na tayo!"

Nagrereview na kami agad ng bumukas ang pinto at pumasok si Sam. Umupo siya sa upuan na kaharap ko at dumekwatro. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagrereview ng maalala 'kong kaklase ko pala si Wayne!

Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bag at itetext siya pero napatigil ako. Bakit ko naman gagawin 'yon? Porket.. Pinatong ko ang siko ko sa libro at ginulo ang buhok ko. Leche siya!

"Oy chill, alam 'kong stress kana diyan pero wag mo naman kalbuhin sarili mo."

"Hindi naman dahil dito kaya ako napapasabunot 'e! Kainis siya.." Binulong ko nalang 'yong huli 'kong sinabi.

"Sinong 'siya?"

"Wala wala! Mag-aral nalang tayo!"

Dumating na ang professor namin at nagbigay na ng mga test papers and all at nagsimula nanga kami.

Ang init na ng pakiramdaman ko, hindi dahil sa kaba dahil sa iniisip ko na kung bakit wala pa si Wayne 'e kaklase ko siya rito ng bumukas ang pinto.

Thank goodness! Nakaabot pa siya!

"Mr. Galang, why are you late?"

"Sorry Sir, nasira kasi ang makina ng motor ko kaya medyo na-delay ang pagpunta sa school." Nagbow si Wayne at kinuha ang test papers. Dumaan siya sa side ko at kumindat.

AMP— Huminga ako ng malalim at sinagutan ang short responses do'n sa test paper. Narinig ko namang napa-scoff si Sam at tinadyakan 'yong upuan na nasa harap niya.

Napalingon naman 'yong nakaupo do'n sa harap at binigyan ng masamang tingin si Sam pero biglang nanlaki ang mata no'ng estudyante at bumalik sa test paper niya. Sumilip naman ako para makita kung ano ang ginawa ni Sam do'n sa estudyante nanga makitang nakataas ang middle finger niya.

Anong klase? Binad finger lang ba niya 'yong kaklase naming 'yon? Sabunutan ko kaya siya ngayon na!

Nagpatuloy nalan ako sa pagsagot habang rinig na rinig na ng buong klase ang lakas ng paghilik ng professor namin. Strict siya pagdating sa time at pagiging late ng isang estudyante pero pag nagbabantay na siya, a'yon, it's either matutulog o magbabasa ng diyaryo o manonood ng kung ano man ang pinapanood niya sa tablet.

Tiningnan ko ang orasan at nakitang 30 minutes palang ang nakakalipas pero patapos na ako sa exam, 'e may 1 hour pang natitira 'e! Feeling ko tuloy kung ano-ano lang ang mga pinagsusulat ko sa test paper. Alam niyo 'yong gano'ng feeling na ambilis mo sumagot tapos in the end, ikaw naman pala ang bagsak? Tsss..

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon