SUMMER CASTELO
I PARKED my bike here sa malawak na parking lot dito sa gilid sa labas ng Heartful Academy University. Nang mag green light na ang traffic light ay sumabay na ako sa ilang students na tumawid dito sa pedestrian line.
Nakita ko sa labas ng gate ang mga kaibigan kong sina Ami at Belle. "Thanks God safe kayo..." nakahinga na ako ng maluwag dahil sisihin ko talaga ang sarili ko kapag may nangyari sa kanila dahil sa pag-iwan ko.
Napahawak si Ami sa ulo. "Ayaw ko na talaga mag-lasing. Mabuti nalang dumating ang mga magulang ni Lloyd." Sabi niya. "Eh si John kumusta siya?" Tanong ko. "Ayon nasa hospital ngayon, at mukhang matatagalan pa bago siya makalabas." Sagot ni Belle.
Gusto ko sanang sabihin na deserve niya 'yon dahil bastos siya, pero tumahimik nalang ako at pumasok na kami sa malaking gate.
Napahinto kami nang makita ang napakaraming students dito sa malawak na entrance area. Mukhang may pinagkakagulohan sila na hindi ko mawari dahil sa dami ba namang students dito ay hindi ko na makita kung ano ang titignan nila.
Sa nakikita ko sa mukha ng mga students dito ay gulat na gulat sila habang napatakip sa bibig, meron pang parang hindi makapaniwala, may ilan din nagbubulongan sa kung anong nakita nila.
"Ano kayang tinitignan nila dyan sa may ilalim ng puno?" Napatanong ako sa sa sarili. "Hali kayo, alamin natin." Isinama ako ng mga kaibigan ko papunta do'n, mga dakilang chismosa kasi ang mga ito.
"Excuse me, excuse me," sabay na sabi nina Ami at Belle habang dumadaan kami sa gilid ng mga students dito na nagbubulongan.
Ayaw ko na sana mangialam pero curious din ako sa kung ano ang pinagkagulohan nila, hindi naman ito artista dahil malamang kanina pa sila nagsisigawan, at hindi tuwa ang makikita sa mukha nila kundi parang pangamba.
Pagkarating namin sa malaking kahoy na ito dito sa gilid ay halos mahulog ang panga namin sa aming nakita. Isang malalim na hukay na malapit sa puno ng kahoy. At ang lalong ikinagulat namin ay bumubuga ng usok ang hukay na lupang ito.
"A-Ano 'yan?" Gulat na sabi ng isang student na kakarating lang din dito sa tabi namin. "Ano pa ba eh 'di umuusok na lupa, nakikita mo naman 'di ba." Pilosopong sagot ni Ami.
Mayamaya pa ay unti-unting nawawala ang usok at halos manlaki ang mga mata namin nang may kung anong kumikinang sa ilalim ng butas na lupa, sisilipin sana namin ito pero bigla itong umilaw at nakakasilaw ang liwanag nito, kaya napatakip kami sa mata ng mga kaibigan ko at ganun din ang lahat ng tao dito.
Hindi rin nagtagal ay unti-unting humihina ang liwanag. Nang mawala ito ay dahan-dahan kaming sumilip sa ilalim ng lupa at napanganga kami nang makita ang isang pambihirang bato na kulay puti at nagliliwanag pa rin ito pero hindi na gaano kalakas, parang kumikinang nalang ito ngayon.
"M-Magic Stone? Ganitong-ganito ang itsura ng bato na na-imagine ko sa kinu-kwento sa akin ni Lola. Iba-iba ang itsura ng mga ito, at malamang sa malamang ito ang White Stone." Mahinang sabi ko sa sarili dahil sinisigurado kong walang makakarinig sa akin dahil baka ano pang iisipin nila sa 'kin.
May isang campus guard ang matapang na lumapit para kunin ang bato, pero kakahawak palang niya nito ay agad na niyang binitawan. "Arayyy! Ang initttt!!!" Sigaw niya habang napapangiwi siya sa sakit at nagkaroon pa ng sugat ang daliri niya.
YOU ARE READING
Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical Edition
RomanceSummer is a writer who fall in love to her own fictional character named Autumn. She made him romantic, kind hearted, caring and loving, indeed a perfectly fine character. She has no interest to every boys in this world, but only to a man who just e...