Chapter 24

263 14 0
                                    


SUMMER CASTELO

"ITIGIL niyo na ang kakalandian niyo!" Natigilan kami nang marinig ang biglang pagsigaw ni Edu na pinuno ng La Son, nakaupo siya sa kanyang truno na nakapagitna dito sa malawak na espasyo.

Hinawakan ni Autumn ang isang kamay ko at dahan-dahan kaming humarap sa mga La Son. Naging seryoso ang tingin ng lahat sa amin. Nilingon naman ako ni Autumn. "Summer, magtago ka sa likod." Biglang sabi niya sa 'kin.

"Eh paano ka, anong gagawin mo? Tanong ko sa kanya. "Ako ng bahala, kaya ko ang sarili ko. At sigurado akong hindi nila ako sasaktan dahil may kailangan pa sila sa akin." Sagot niya at aangal pa sana ako pero tinignan na niya ako ng malalim na parang sinasabi niyang sumunod nalang ako.

Kaya tumango nalang ako at dahan-dahan ang paghakbang. Ang ipinagtataka ko ay wala man lang silang ginawa para pigilan ako, tinignan lang nila ako at hinahayaang magpunta sa likod ni Autumn kung saan may malaking plywood na pwedeng pagtagoan.

Nagtago ako sa likod ng plywood pero sinusubukan ko pa rin sumilip sa itaas para makita kung ano na ang nagaganap. Nakita kong nanatili pa rin si Autumn sa kanyang kinatatayoan at nakipagtitigan sa lahat ng La Son na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya.


Matapang na nag-angat ng tingin si Autumn. "Sigurado akong may kailangan kayo sa akin, kaya ako lang ang Dragon na pinapapunta niyo. Kung ano 'yon, sabihin niyo na." Tugon niya.

"Magaling ka palang manghula Autumn, at hindi lang sa panghula, balita ko magaling ka daw makipaglaban, may kakaiba kang bilis, at ikaw mismo ang muntik makaubos sa mga ipinadala kong La Son kanina. Kailangan namin ang iyong galing sa laban." May ngiti ngayon sa labi niya. "Kaya kung ano man ang ibinigay sa 'yo ni Armagon ay dodoblehin ko, sumanib ka lang sa grupo namin."

Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko nang dahan-dahan na humakbang si Autumn papalapit kay Edu. "Kailanma'y hindi na ako magpapasakop pa sa kahit 'nino. Hindi sa Dragona, at lalong-lalong hindi sa inyo. Kasabay ng pagbabago ko ay ang inyo namang pagtatapos."

Biglang naging mabilis ang paghablot niya sa kanyang baril na nasa bulsa ng suot niyang jacket at agad itong ipinapaputok papunta kay Edu, sa sobrang bilis ng pangyayari ay walang kahit ni-isa ang nakapagpigil sa kamatayan ni Edu.

Tumama nga kay Edu ang bala at sa kanyang noo pa. Katulad ko ay gulat na gulat din ang buong La Son, hindi nila inasahang isang headshot lang mula sa bagohang Dragon ang makakatapos kay Edu.


Dahil dito ay nababalot ngayon ng galit ang buong La Son. "Lapastangan, pinatay mo ang aming pinuno!!" Sigaw ng ilan sa membro at agad silang tumakbo papunta kay Autumn.

"Mga mahiwagang hangin, kayo na nangangalaga at gumagabay sa akin dati, hinihiling kong bumalik kayo sa akin. Ngayon din!" Biglang sigaw ni Autumn na parang may tinatawag.

Mayamaya ay halos mahulog ang panga ko dahil hindi ko mapigilang mapanganga nang makitang may kung anong mga hangin ang mula sa itaas at ngayon ay umiikot sa buong katawan ni Autumn. Hindi ako magkakamali, ito 'yong mga purple na hangin na madalas pumapalibot sa kanya tuwing sumusulpot siya.

"Nagbalik na ang power niyang hangin..." napangiti ako ngayon.

Dahil sa mga hangin na nakapalibot kay Autumn ay kahit pinapaulanan pa siya ngayon ng mga bala sa baril ng mga La Son ay wala pa rin silang napapala dahil hindi natatamaan si Autumn, naglalaho ang bawat pala sa oras na makalapit sa hangin at kung minsan pa ay bumabalik sa kalaban kaya sila ngayon ang natatamaan.

Natigilan ang mga La Son at napapalingon sila sa isa't isa na halatang nagtataka. "Imposible...ano ka, siguradong hindi ka tao..." sigaw ng ilan sa kanila kay Autumn.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now