7th Anniversary Special: Bonus Scenes

191 10 11
                                    


As celebration to my 7th Anniversary as a writer, I represent you the bonus scenes from Fictional Love. I'm dying sa sakit and kilig habang isulat ito last month at inihanda ko talaga para sa araw na ito. And it's all yours now. Pakihanda nalang ng tissue.


BONUS SCENE 1

SUMMER CASTELO

PAGSAPIT ng gabi ay hindi pa tapos ang aming unang date, talagang sinulit namin ito. Magkasama pa rin kami dito sa isa sa pinaka-romantic at peaceful na lugar ng Hearts City, ang Green Serene.

Dito madalas pumupunta ang mga taong pagod at gusto magpahinga, ang mga taong gusto muna mapag-isa at makapag-isip-isip, at mga couple na naghahanap ng romantic place para mag date, isa na kami do'n ni Autumn.

This place really scream peace. Nasa tuktok ito ng malawak na bundok kaya naman matatanaw mula dito ang malayong syudad. Malamig ang hangin dito, maganda ang view na merong mga naglalakihang kahoy at may mga maliliit na bundok magkatabi-tabi.

Pero malawak naman ang espasyo ng field dito kung saan nakaupo ang ilan sa mga tao at ang ilan ay nasa bench pa. May mga restaurant and coffeeshop din na matatagpuan dito.


Perfect mag inom ng kape dito, kaya nagkakape kami ngayon ni Autumn habang nakaupo sa field na tinakpan namin ng blanket at sa tabi naman namin ay isang basket na puno ng bread na pinapares namin sa mainit na kape. Tulad ng iba ay para na kaming nag camping dito.

Dahan-dahan akong sumandal sa balikat ni Autumn. "This will be my first ever best Christmas, and it's because of you. Kaya sana aabot tayo ng pasko." I simply smiled.

"We will make it, trust me." Ramdam ko ang lamig niyang boses.


Mayamaya ay napansin kong natahimik siya, kaya nilingon ko siya at nakita kong mukhang malalim nga ang iniisip niya, magsasalita sana ako pero nauna na siya. "Summer, what if nag exist ako bilang si Autumn na bagong version—ang version na gusto mo?" Mababa ang tuno ng boses niya habang malayo ang tingin.

Agad ko hinawakan ang likod niya. "Shhss, huwag na natin 'yan pag-usapan, dahil masaya na ako ngayon. Masaya ako sa piling mo, at masaya ako sa naging adventure nating dalawa. Our story has a twist of magic, and I like it." Sabi ko sa kanya.


Nilingon niya ako at ngayon ay nagbakas na ang ngiti sa mukha niya, dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko at bigla nalang niya akong niyakap ng pagkahigpit. Nagulat ako, pero niyakap ko din siya ng mahigpit.

"You're my first love, and want us to be together til last." Saad ko at pagtapos namin magyakapin ay muli akong sumandal sa balikat niya.

Mukhang wala na nga akong mahihiling pa, tama na sa akin ngayon na kasama ko si Autumn dito sa malamig na tuktok ng bundok at natatanaw namin sa ibaba ang syudad na kung titignan mula dito ay parang mga bituin ang kanilang ilaw.



BONUS SCENE 2

SUMMER CASTELO

UMAGA na, nagpakita na ang araw na nagbibigay ng liwanag sa lugar. This golden sunrise na natatanaw ko sa ulap ay nagbibigay pag-asa sa akin na malalagpasan din namin 'to ni Autumn.

Nilingon ko siyang nakatayo sa tabi ko at tanaw din ang ulap. "Labas tayo?" May ngiti sa labi ko habang sinabi ko 'yon sa kanya.

Tumango lang siya. Pumasok kami sa sasakyan ko na naka parked dito sa tabi-tabi ng mga naglalakihang kahoy. Sinimulan ko na ang pag drive habang tahimik naman nakaupo sa front seat si Autumn.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now