Chapter 8

450 28 0
                                    


SUMMER CASTELO

WHEN night comes at kapag wala na akong ibang ginagawa ay dito lang ako sa rooftop tumatambay. Lalo na ngayon na hindi na ako nagsusulat kaya maging madalas talaga ang pag tambay ko dito tuwing gabi.

I just love the way sky maintain it's peaceful for a straight week. Ilang araw na rin na walang ulan kaya ganon nalang kaganda ang ulap na napupuno ng mga bituin.

Kay lamig ng hangin dito at wala na masyadong ingay, kaya naisip ko tuloy na dito na matulog. Nilagyan ko ng kumot ang ibabaw ng bench at dito ako humiga.

Habang nakahiga ay nakatingin pa rin ako sa itaas na ulap. Hindi pa rin nawala sa isip ko si Autumn. "Hanggang ngayon may takot pa rin akong naramdaman, dahil sigurado akong hindi 'yon isang imagination lang..." tila kinakausap ko na ang ulap animo'y sasagot ito.

"At tsaka hindi ko naman naiisip si Autumn sa mga oras na 'yon, hindi ko iniisip ang ganong itsura niya dahil hindi naman siya ganon manamit...kaya si Autumn ba talaga 'yon? O baka kamukha lang? Jusmeyo ang dami ko nang iniisip..." mababalyo na talaga ako nito kaya napahawak nalang ako sa ulo.


Isang bagay ang dumaan sa isip ko kaya agad akong napaupo. "O baka kaya siya nagpaparamdam dahil sa pag cancel ko ng story nila sa publishing house? At ayaw niya ang pagtigil ko sa pagsusulat kaya niya ako minumulto..." napayakap na ako sa sarili. "Naku huwag naman sana..." nakaramdam ako ng takot.

Ipinikit ko ang mga mata ko at tila nagdasal. "Autumn kung nakikinig ka man ngayon, patawarin mo ako sa decision ko, talagang no choice na ako dahil ayaw ko naman makaaway si Mama, kaya sana maintindihan mo ako..." pagpapaliwanag ko kahit ako lang naman mag-isa dito.


Mayamaya ay nagsitayoan ang balahibo ko nang maramdaman ang malamig na hanging dumaan sa gilid ko, at lalo pang lumalakas ang hangin na ito na tila nagmula sa likod ko.

Nanginig na ang katawan ko nang makita sa sahig na nasa harapan ko ang isang malaking shadow ng tao na mukhang nakatayo sa likod ko, gusto kong isipin na si Mama ito pero sa tindig ng katawan nito ay halatang lalaki ito.

Kahit takot na takot ay sinubukan kong alisin para malaman kung sino ang taong ito, dahan-dahan akong lumingon at pagkakita ko sa kanya ay agad akong napatayo. "Autumn?!" Napasigaw ako sa gulat.

Napahingal na naman ako dahil sa bilis ng kaba ko, pero nanatili lang siyang kalmado habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa, at kung dati ang description ko sa kanya ay charming businessman, ngayon ay bad boy.

Dahil sa suot niyang puro itim, mula sa t-shirt, pants, at shoes, lahat ng 'yon ay itim, may suot pa siyang white cap kahit hindi ko 'yon naisulat sa style niya.


Hindi ko na pinansan ang pananamit niya at tinignan ko ang mukha niya, napaka-seryoso ng titig niya sa 'kin. "T-Totoo ka ba talaga...?" Nanginginig kong tanong.

Ngunit hindi siya sumagot, kahit simpleng tango ay wala din, walang emotion ang makikita sa mukha niya ngayon pero ang mga mata niya nakatitig sa akin.

Tila nawala ang takot na nararadaman ko, mas nangingibabaw sa akin ngayon ang malaman kung totoo ba talaga siya. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya, habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa ay dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa kanya.

Kasabay nang pagdapo ng daliri ko sa dibdib niya ay tsaka naman siya biglang naglaho na parang bula. Hindi ko lang naman siya nahawakan ng mabuti, hindi ko nga alam kung totoong nagkatawang tao nga siya dahil saglit lang naman na dumapo ang daliri ko sa dibdib niya.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now