Note: Pakihanda nalang po ako sa inyong mga tissue. Also, please play the music I put above para mas madama niyo ang bawat emotions.
•••••••
SUMMER CASTELO
MAG-ISA ako sa bahay dahil kakaalis lang ni Mama para asikasohin ang restaurant. Habang nasa kwarto ko ay nilalabas ko naman sa cartoon ang mga gamit ni Papa, hiningi ko ang mga ito sa bago niyang pamilya bilang ala-ala ko nalang sa kanya.
Niyayakap ko ang mga damit niya pero pinipigilan ko naman umiyak. Hanggang sa nakita ko sa pinakailalim ang isang damit na familliar sa 'kin. Isa itong white cardigan na kung hindi ako nagkakamali ay sinusuot ito dati ni Lola.
"Mahal na mahal talaga ni Papa si Lola, maging ang cardigan nito ay hindi niya hinayaang mapunta sa iba." Sabi ko habang dahan-dahan na kinuha ang cardigan at yayakapin ko sana ito pero may nahawakan akong makapal na bagay dito at bigla nalang ito nahulog.
Gulat na gulat ako nang makitang isa pala itong libro na ngayon ay nasa sahig, hindi ko namalayan kanina dahil nakatago ito sa cardigan. Dahan-dahan ko itong pinulot at hindi ito ordinaryong libro dahil tila kumikinang ang book cover nitong universe.
Sansinukob, ang nakasaad sa book cover. Because of curiousity ay dahan-dahan ko itong binuksan at mga bagay na hindi ko alam ang bumungad sa akin, meron ditong mga chant, mga mapa, at mga salitang hindi ko maintindihan. Hanggang sa madaanan ko ang isang page na nakaguhit ang itsura ng mga stones.
Sunod-sunod na pages about stones ang nababasa ko. Nandito ang Mystic Stone at White Stone, at iba pang mga stone na hindi ko pa nakita sa personal.
"Kapag humiling sa shooting star ay matutupad. Walang kakayahan na mamili ang isang tao kung anong stone ang gusto, 'pagkat ang Sansinukob mismo ang pumipili sa kung anong stone ang ipapadala. Tandaan na bawat stone ay may hinihinging kapalit. Kaya sa oras na humiling sa shooting star ay may bagay ng kinuha sa 'yo bago pa matupad ang hiling mo." Dahil sa nabasa ko ay agad kong nabitawan ang libro.
"I-Ibig sabihin, may nawala na sa 'kin nong humiling ako...pero ano 'yon...?" Hindi ko mapigilang kabahan, at mas lalo pa akong natakot nang biglang lumiwanag sa loob ng aparador.
Kahit kabado ay dahan-dahan pa rin akong lumapit sa aparador at nang mabuksan ko ito ay nakita kong nagiging kulay puple ang liwanag mula sa luma kong notebook. Nang unti-unti na itong humina ay kinuha ko ito at dahan-dahan na tinignan.
Gulat na gulat ako nang biglang nagkaroon ng mga sulat sa mga huling pahina ng notebook. Ang mga nakasulat dito dati na mahirap pang basahin dahil inaanay ay unti-unting naiilatha dito, tila purple pa nga ang ink nito dahil sa liwanag.
Outline for Last Chapters
~ The death of Winter's father. May sakit ito sa puso at nong gabing nagkaroon sila ng pag-aaway ay inatake ito puso at dinala sa hospital.Dahil sa labis na pagkagulat ay nabitawan ko ang lumang notebook, para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makagalaw, nanlalaki lang ang mga mata ko at dahan-dahan na bumagsak ang katawan sa kama.
"M-Mukhang sa akin napunta ang nakatadhana kay Winter...n-nangyayari sa akin ang mga isinulat ko sa kanya..." halos manginginig ang labi ko. "P-Pero, paano nangyaring hindi ko man lang maalala ang mga dati kong outline...?"
Ito ang naging katanongan sa akin ngayon, dahil kahit burado na ang lahat sa notebook ay maalala't maalala ko pa rin 'yon dahil ako mismo ang nagsulat no'n.
YOU ARE READING
Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical Edition
RomantizmSummer is a writer who fall in love to her own fictional character named Autumn. She made him romantic, kind hearted, caring and loving, indeed a perfectly fine character. She has no interest to every boys in this world, but only to a man who just e...