Chapter 20

284 14 0
                                    


SUMMER CASTELO

PAGKARATING ko sa Heartful Academy ay marami nga akong napapansin na pagbabago sa paligid ko. Parang hindi na ako naging nobody girl lang sa HA.

Bawat nadadaanan kong students dito sa pedestrian ay nakangiting tumitingin sa akin. Hanggang sa papasok na ako sa gate ng campus ay binabati pa ako ng ilan na parang isa akong artista na hinahangaan nila.

Bigla kong nakasabay sa pagpasok ang isang babaeng dali-daling tumakbo na parang may hinahabol siya, at 'yon pala'y isang ginger cat na nakapasok sa gate at mabilis ang takbo.

"Augustine, bumalik ka dito...huwag kang lumayo..." tila tawag niya sa kanyang pusa na nakalayo na.


Huminto naman siya malapit sa tabi ko at napahawak nalang sa ulo. "Napaka-pasaway talaga...parang gusto pa 'ata mag-aral..." narinig ko siyang tumawa at dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin na nasa likod niya.

Nakita kong 'di hamak na mas maganda siya kumpara sa akin, mas maputi at bright innocent tignan ang mga mata, mas matangkad lang ako sa kanya pero wala naman ako sa ganda niya, lalo pang bumagay sa kanya ang blonde niyang mga buhok at kulay green ang ilang bahagi.

"Sorry Miss, muntik pa 'ata kita mabangga,"natigil siya at parang gulat na gulat nang mamumukhaan ako, habang tumatagal ang pag-titig niya sa akin ay tila napapalitan ng tuwa ang pagkagulat niya.

"Naku ayos lang 'yon, hindi mo naman ako nabangga eh..." sagot ko at magtatanong pa sana ako kung sa kanya ba ang pusang 'yon pero natigil ako nang makita siyang nagtakip ng bibig at parang gusto sumigaw.


"Oh, my, cat, is this real...? Kaharap ko ngayon si AlwaysSummerTime..." dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang abot tenga ang ngiti. "Hi Summer, I'm Fairy, a fan of yours...matagal na akong nagbabasa sa mga stories mo kahit nong hindi pa sikat ang mga ito..." dama ko ang labis niyang saya nang makita ako.

Hindi ko magawang mag react dahil maging ako man ay gulat na gulat at nauutal magsalita. Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa. "Summer, pwede magpa-picture?" Nakangiting tanong niya at dahan-dahan naman akong tumango.

Lumapit siya sa tabi ko at nag-picture kami na medyo malapit ang mga mukha, nakailang take din kami dahil tila nag enjoy na siya sa kakakuha ng pictures, halos nag wa-wacky na kami.

Tsaka lang kami natigil nang makitang naglalakad ngayon ang pusa niya palapit sa kanya. Huminto ito malapit sa paa niya. "Augustine, mabuti at bumalik ka...I guess what, hindi mo alam kung saan ka pupunta 'no..." natawang sabi niya dito.


Habang dahan-dahan siyang umupo para kunin ang kanyang pusa ay hawak ko naman ngayon ang cellphone ko at tinignan ko ang Wattpad account ko. Laking gulat ko nalang nang makitang half a million na ang mga followers ko at million reads na rin ang lahat ng stories na na-published ko.

Napatakip ako ng bibig lalo na nong makitang sobrang dami ng papuri sa story kong Seasons of Love at naghihintay pa sila ng Book 2 kahit para sa akin ay matagal ng tapos ang love story nila Autumn at Winter.

"N-Nanaginip ba ako...paano nangyaring naging ganito na ang Wattpad ko, bakit bigla nalang ako sumikat...?" Hindi pa rin ako makapaniwala dahil ilang araw lang mula nong iniwan ko ang pagsusulat tapos nagkaganito nalang bigla.

"It's because magaling kang writer, magaling kang magpaluha ng mga readers kahit na hindi sad or tragic ang ending..." nakangiting sabi niya habang buhat-buhat niya ang kanyang pusa, narinig niya 'ata ang sinabi ko.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now