Chapter 32

524 17 6
                                    


Note: Pakihanda nalang po ako sa inyong mga tissue. Also, please play the music I put above para mas madama niyo ang bawat emotions.

•••••••


SUMMER CASTELO

HINIHINGAL, pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo sa loob ng kagubatan. Sa kalayoan ay bigla ko nalang hindi naramdaman ang kamay ni Autumn.

"A-Autumn, ang kamay mo..." napanganga ako sa aking nakita, tila naging hangin ang isa niyang kamay na bukod sa kulay puti ay mahirap hawakan. Napatigil din si Autumn at nanlaki ang mga mata niya nang matignan ang mga kamay niya. "S-Summer, anong nangyayari sa kamay ko..."

Nanginig kami sa takot at lalo pang lumala nang maging sa tiyan niya ay unti-unting pumuputi at nagiging hangin. Sa sobrang gulat ni Autumn ay napadapa siya at paupong umaatras. "S-Summer, anong nangyayari sa akin...Summer tulongan mo ako..."

Labis akong nasaktan nang makitang umiiyak si Autumn, pero pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko dahil ayaw kong mapanghinaan ng loob, pinipilit ko maging matatag para sa kanya. "Autumn hindi ko alam...pero huwag kang bibitaw, kunti nalang ay makakalabas na tayo dito..." tugon ko at dahan-dahan kong hinawakan ang kabila niyang kamay na hindi pa nagiging hangin.


Tinulongan ko siyang makatayo at sinama ko siya sa pagtakbo. Pero hindi pa kami nakalayo ay biglang huminto si Autumn, dahilan para huminto din ako. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa 'kin at unti-unting tumalikod.

"Summer, hanggang dito nalang 'yata ako."

Tuloyan na ngang pumatak ang luha ko nang sabihin niya 'yon. "Autumn huwag mong sabihin 'yan, hindi tayo susuko. Hindi ako sumuko sa ating dalawa, kaya sana huwag mo naman akong sukuan..." tumatangis na ako.

"Pero nasasaktan na ako, hirap na hirap na ako Summer..." bumibilis ang bawat paghingal niya na parang hinahabol niya ang kanyang paghinga.


Dahan-dahan akong lumapit sa harapan niya at hindi ko magawang magsalita dahil naaawa ako sa pag-iyak niya. "Maging ang sarili ko ay hindi ko na maramdaman, para akong bumabalik sa fictional na walang buhay..." lumuluha siya sa harapan ko.

Dahan-dahan kong hinawakan ang dibdib niya. "Hindi totoo 'yan, dahil ang puso mo'y tumitibok pa rin. Nararamdaman pa rin kita." Dahil sa nasabi ko ay parang napakalma ko siya. "Kung ganun anong nararamdaman mo ngayon? Hindi ka ba natatakot para sa ating dalawa?" Tanong niya.

Habang nakadapo ang kamay ko sa dibdib niya ay ipinikit ko ang mga mata at pinapakiramdaman ko lang ang tibok sa puso niyang unti-unting bumabagal. Nagmulat ang mga mata ko. "I just feel you. And it was enough." Ngumiti ako.


Kahit nahihirapan ay nagpatuloy kami ngayon sa pagtakbo. Hanggang sa makita na namin ang dulo ng kagubatan na ito kung saan makakalabas na kami at sasalubong sa amin dyan ang kalsada.

May ngiti ngayon sa labi ko. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba. Makakalabas tayo dito ng buhay. Makaka-survive tayo." Sabi ko at napangiti naman siya.

Magkahawak pa rin ang aming mga kamay at kahit papaano ay nawala ang lungkot sa amin. Pero may kung anong bagay kaming nararamdaman mula sa lupa. Nagkaroon ng pagyanig at unti-unti pang lumalakas.

Tila may papalapit sa amin, kaya napalingon kami sa likod at laking gulat namin nang makita ang isang napakalaking bato na gumugulong at papalapit na sa amin, kaya para makaligtas ay tumakbo kami papunta sa gilid at nagtago sa malaking kahoy.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now