Chapter 14

299 18 0
                                    


SUMMER CASTELO

HANGGANG matapos ang klase ay nagkagulo pa rin ang mga students dito sa Heartful Academy, bawat nadadaanan ko ay napapatingin dahil kasama ko ngayon si Autumn.

Marami pa sa mga students ang nagtipon-tipon sa gilid-gilid at kinukuhanan kami ng pictures. Parang naging mga artista kami ngayon na pinagkagulohan, pero hindi lang nila kami nilalapitan dahil siguro takot pa sila kay Autumn.

Kahit ganon paman ay smiley pa rin si Autumn habang lumilingon sa kanila at kumakaway pa. Nilingon niya ako na nasa tabi niya. "Sabi ko sa 'yo 'di ba, sisikat ako..." abot tenga ang ngiti niya at napakamot lang ako sa ulo. "Ewan ko sa 'yo." Sabi ko.

Nandito na kami ngayon sa entrance area na labasan lang din ng students dahil isang gate lang naman ang makikita dito sa campus ng Heartful Academy pero malawak naman ito na daig pa ang sa mga mall.


Natigilan ako sa paghakbang at ganon din si Autumn. "Nalagot na..." napalunok nalang ako sa kaba.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makagalaw dahil sa bilis ng kaba ko nang makita ang napakaraming news caster dito sa area, tila may hinihintay silang magpapakita at alam kung si Autumn 'yon. Ang ilan naman sa kanila ay nagsimula na mag record ng magiging report nila inside the campus.

Napakarami nilang nagtipon-tipon at nanggaling pa sila sa iba't ibang tv network, ang mas maraming news caster dito ay mula sa Seaven Network na pinaka-kilalang tv network dito sa bansa.

Siguro kalat na kalat na nga ang tungkol kay Autumn kaya nagpapaunahan sila ngayon na ma-interview siya.


Nilingon ako ni Autumn. "Sino ang mga 'yan?" Tanong niya sa 'kin, at hinila ko muna siya para makatago kami dito sa gilid ng kahoy.

"Mga news caster o reporters ang mga 'yan mula sa iba't ibang tv channel, nag co-coverage sila ng mga balita na ipapalabas sa tv or news paper..." nataranta ako sa pag sagot sa kanya.

Pero napangiti lang siya. "Kung ganon pagkakataon ko na ito para sumikat pa lalo..." hahakbang sana siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya. "Ano ka ba, hindi ito ang panahon para dyan...masyadong matunog ang pangalan mo ngayon, maraming nagka-interest sa 'yo, at kapag nagkataon pwedeng ilan sa kanila ay may masamang balak pa sa 'yo..." tugon ko sa kanya.

Natigil naman siya at mukhang napa-isip. "Mukhang tama ka dyan. Pero ano ng gagawin natin ngayon? Paano tayo makakalabas ng gate eh marami silang nakaabang..." saad niya.

Nagkunot ang noo ko. "Ano bang nangyari sa 'yo, naging tao ka lang nagtanga-tangahan ka na din...hindi ba may teleportation ka, eh 'di 'yon ang gamitin mo..." naasar na ako at napakamot naman siya sa ulo. "Ay oo nga pala...medyo nawala na sa isip ko pagkakita ko sa mga reporters..." natawa pa siya.


Napailing-iling lang ako habang pinipigilan ko pang matawa. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko at napanganga ako habang napatingin sa magkahawak naming kamay, naramdaman ko 'yong tinatawag nilang electricity kapag magkahawak kayo ng kamay sa taong mahal mo.

Pero ang sa amin ay hindi electricity kundi naging frosty air dahil sa mga kulay lilang hangin na lumalabas sa kamay niya. Dahan-dahan naming ipinikit ang aming mga mata at naghintay sa aming paglaho mula dito.

Pero ilang minuto na ang lumipas mula nong magkahawak ang aming mga kamay ay wala pa ring nangyayari sa amin, hindi namin naramdaman ang mga hangin na dapat nakapalibot sa katawan namin. Kaya inimulat namin ang aming mga mata at nagulat nalang kami nang makitang wala ng hangin ang lumabas mula kay Autumn.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now