SUMMER CASTELO
IT'S our lunch time at halos lahat nga ng students ay nasa cafeteria na at kumakain. Nanatili lang ako dito sa classroom dahil hinihintay ko pa si Autumn, napag-usapan kasi namin kanina na sabay na kaming kakain.
May ilan naman akong classmates na kasama dito at puro chikahan lang sila sa gilid. Habang mag-isa naman ako dito sa likod at nag o-overthink na naman sa situation namin ni Autumn.
Itinigil ko ang pagkatulala at dahan-dahan na tinignan ang sarili kong mga kamay. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay bigla nalang akong napangiti.
Nanlaki ang mga mata ko dahil wala naman akong ibang naiisip kundi ang madalas na nangyayari na magkahawak ang aming mga kamay ni Autumn. "Gosh, in love na ba ako...?" Napahawak ako sa ulo. "Hindi, hindi pwede 'to, hindi ikaw si Winter na kasintahan niya sa kwento..."
Parang gusto ko nalang maluha dahil gulong-gulo na ako ngayon. Kung titignan ko kasi ang mga nangyari nong nakaraang araw ay naging sobrang sweet ko sa kanya, parang may nararamdaman na ako sa kanya.
This is a forbidden love, forbidden feelings. It was obviously that he will end up with her. I'm just their creator. I'm just a bridge to their love story.
Natigilan ako nang mapansing may dali-daling pumasok sa classroom namin at pagka-angat ko ng tingin ay mga kaibigan ko lang pala ito na sina Ami at Belle. Hinihingal sila sa tila kakadaling tumakbo.
Dali-dali silang lumapit sa 'kin. "Anong nangyari sa inyo...?" Tanong ko at tila naghahanap pa sila ng tamang tyempo sa pagsalita dahil hingal na hingal pa rin.
"Si ano...si ano, si Autumn..." hindi matuloy-tuloy ni Belle ang gusto niyang sabihin dahil hingal na hangin pa rin siya habang nakahawak pa sa dibdib.
Nagsimula na akong mag-alala dahil tungkol kay Autumn ang sasabihin nila. "Bakit, anong nangyari kay Autumn?! May nanakit ba sa kanya?!" Nataranta na ako mag tanong.
Umiling sila. "W-Wala naman...pero siya 'yong nanakit ng tao ngayon..." sagot ni Ami na nagpanganga sa 'kin. "A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko ulit.
"May inaaway na naman siyang mga students, at kasama ang mga barkada niya ay nagkalat na naman sila ng gulo dito sa campus..." dahil sa sinabi ni Ami ay napatayo ako sa sobrang gulat. "Ano?! Paano nangyaring may mga barkada na siya dito eh first day palang niya dito..."
Pero nanlaki ang mga mata ko nang maalalang humiling pala siya sa stone at baka lahat ng ito ay parte na sa pagbabago, baka para sa lahat ay matagal na siyang nag exist dito sa mundo.
Wala na akong pinalampas pa na oras, dali-dali na akong tumakbo paalis dito at iniwan kong tahimik ang mga kaibigan ko, malamang ay nagtataka sila sa nasabi ko.
Hindi ko alam kung nasaan si Autumn at nakalimutan ko naman itanong sa mga kaibigan ko, kaya naging pressure sa 'kin ngayon kung sa'n ko siya mahanap, nag-aalala na ako dahil baka may mangyaring masama pa sa kanya.
Hanggang sa narating ko ang sa isa sa malawak na kalsada dito sa loob ng campus. Nagtaka ako dahil sa dami ng mga students na nagtipon-tipon sa gilid at tila may pinapanuod sila sa isang malawak na field at sa gitna pa dito ay merong flag pole at nakasabit ang Philippine flag.
Nong una ay akala ko may pinapanuod lang silang mga new athletes na nag training sa field, naging training ground din kasi ng mga bagohan at aspiring athletes ang field na 'yon. Pero habang papalapit ako nang papalapit ay kakaiba ang mga isinisigaw ng mga students na ito.
YOU ARE READING
Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical Edition
RomanceSummer is a writer who fall in love to her own fictional character named Autumn. She made him romantic, kind hearted, caring and loving, indeed a perfectly fine character. She has no interest to every boys in this world, but only to a man who just e...