Chapter 4

865 38 0
                                    


SUMMER CASTELO

THE sky is golden kanina pagpunta ko ng Heartful Academy, at ngayong pauwi na ako sa Enchanting Village habang nakasakay pa rin sa aking bike ay tanaw ko naman ang napaka-gandang pink purple sky.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at nagbihis ng pang-bahay na damit, kinuha ko na rin ang librong Lucid Dream ni Alyloony tsaka ako lumabas ng kwarto.

Nag timpla ako ng kape sa lamisa at pagkatapos ay agad na pumunta sa rooftop namin. Dito ako madalas tumambay pag hapon dahil natatanaw ko ang perfectly fine na mga ulap.

Lalo na ngayon na shade of purple ang ulap, which is my favorite color. Habang umiinom ng kape ay hindi ko maalis ang tingin dito.

Perfect dito magbasa dito dahil tahimik at malalanghap mo ang malamig na simoy ng hangin.


Natigil ako sa pagbabasa nang tumunog ang cellphone kong nakalapag sa tabi ko, kinuha ko ito at nang makita kong isa itong notifiction from Gmail ay nakaramdam ako ng tuwa, dahil isa lang ang inasahan kong mag email sa akin sa araw na 'to.

Agad kong binuksan ang Gmail at nakita ko palang na Hearts Publishing House ang nag message sa akin ay napapangiti na ako, lalo pa naging abot tenga ang ngiti ko nang mabasa ito.

"Dear AlwaysSummerTime, we congratulate you for passing the Hearts Manuscript Submission 2023! We're glad to say that your story Seasons of Love, captured our hearts."

Dahan-dahan na akong napatayo. "Ahhhhhh!!! Nakapasa akooo! Nakapasa akooo!!!" Pagsisigaw ko sa labis na tuwa habang napatalon-talon pa.

Tumingin ako sa ulap. "Autumn! Winter! We did it! Thank you guys, dahil sa napaka-ganda niyong story magiging published author na ako!!!" Sigaw ko habang nakatingala sa ulap.


Mayamaya lang ay narinig ko ang busina ng sasakyan kaya tumingin ako sa ibaba ng rooftop at nakita kong kakarating lang ni Mama at naka-parked na sa front yard namin ang kotse niya.

Dali-dali akong bumaba at tumakbo palabas ng bahay, sa sobrang tuwa ko ay agad ko pa niyakap si Mama. "Oh, kakaiba 'ata ang saya mo ngayon." Wika niya.

"Kasi po nakapasa ako..." sagot ko habang yakap-yakap pa rin si Mama. "Wow congratulations! Pero sa saan naman 'yan anak?" Tanong niya at natigilan ako dahil hindi pala niya pwede malaman.

Dahil kapag babanggitin ko ang salitang writer or published author ay tiyak na magagalit siya. Hindi nga niya alam na nag-submit ako ng manuscript. Lalo lang siya magalit kapag malaman niyang magiging published author ako, dahil wala daw akong mapapala dito kundi stress lang.

"S-Sa ano, sa art contest po sa school," pagsinungaling ko at mukhang napaniwala ko naman si Mama alam din kasi niyang sumasali talaga ako sa mga art contest sa school.


Napakahirap talaga ng situation ko, kailangan ko pang itago kay Mama ang bawat hakbang na ginawa ko para sa pangarap ko.

Ang maging published author ang pangarap ko, ito lang ang gusto kong gawin hanggang sa pagtanda ko, ang walang kataposang paglikha ng kwento.

Pero iba ang gusto ni Mama para sa akin, gusto niya ako mag doctor, o 'di kaya mag lawyer, o mag engineer. Mga magaganda namang trabaho at malaki ang sahod, pero hindi ko talaga gusto. Kapag susundin ko 'yon siguradong ako naman ang maghihirap dahil wala sa trabaho na 'yon ang puso ko.

Kahit ganon pa man naniniwala pa rin ako na balang araw magbabago ang isip ni Mama, at mangyayari lang 'yon kapag mapakita ko sa kanya ang sarili kong libro.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now