Chapter 25

280 20 0
                                    


SUMMER CASTELO

NAGUGULOHAN na ako sa lahat ng nangyayari. Akala ko ba magiging okay na ang lahat, dahil okay na eh nakita ko ng nagbabago na si Autumn, parang bumabalik na 'yong dati na nag-aalala siya sa akin.

Kaya nong niligtas niya ako sa kamay ng mga La Son ay naging kampanti na ako nababalik ko na nga siya sa dati dahil nakikita ko sa kanya kanina ang pagmamahal sa akin, hindi lang bilang kanyang creator kundi parang mas malalim pa do'n.

Pero mukhang isang problema na naman ang kakaharapin ko.

Actually hindi ko pa siya matatawag na problema dahil hindi ko pa alam kung ano ito, pero hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Para bang may mga bagay pa akong hindi nalalaman.

Is midnight always like this? Lagi nalang ba ako mag overthink every middle of the night? Mula nong dumating si Autumn, sunod-sunod na ang mga gabi na hirap na hirap na ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay-bagay.


Narealize kong kanina pa pala ako dito pabalik-balik ang lakad sa loob ng kwarto, kaya tumigil ako at napabuntong hininga. "Summer, don't be hard on yourself. Kailangan mo na magpahinga dahil sobrang bogbog ka na sa araw na 'to..." ako lang din mismo ang nagbibigay ng payo sa sarili ko.

Kahit naiisip ko pa rin ang nangyari kanina ay pinilit kong huwag pansinin at humiga nalang sa kama, dahan-dahan kong isinara ang mga mata ko.

Ilang minuto din akong naidlip at habang patagal nang patagal ay tila may nararamdaman akong init, hindi ako sigurado kong sa katawan ko ba ito nanggagaling o sa isip ko mismo. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ito nangyari sa akin na parang may naglalayab sa isipan ko.


Mayamaya pa ay nakikita ko sa isipan ko ang unti-unting paglalabo at kasunod nito ay nakita ko na naman ang isang lalaking nakatalikod at nagkakalat ng gas sa loob ng bodega.

Sinubukan ko siyang kausapin sa loob ng isip ko. "Sino ka, ipakita mo ang mukha mo sa akin..." sabi ko sa kanya kaya natigil nga siya at ibinaba ang container ng gas.

Dahan-dahan niya akong hinarap, at sa kanyang pagharap ay labis na gumulat sa akin, wala siyang mukha, walang mga mata, walang ilong, walang bibig, walang mga kilay, ang tanging meron lang ay tenga at buhok.

Napapaatras ako sa takot at nanginginig ang buo kong katawan. Kahit sa realidad ay takot na takot din ako, habang nakahiga ay nararamdaman ko pa ang paggalaw ng katawan ko dahil sa pagnginig.


Sa sobrang takot ay agad akong bumangon na nanlalaki ang mga mata. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang katawan.

"Tama na...tama naaa!!" Pagsisigaw ko at sa sobrang takot ko ay niyakap ko ang sarili at binalot ang katawan sa kumot.

Takot na takot ako, pakiramdam ko kahit saan ako lumingon ay nakikita ko ang lalaking walang mukha pero kapariho kay Autumn ang hulmo ng katawan, pero hindi ako sigurado kung si Autumn nga ba 'yon.

Mayamaya pa ay muling sumakit ang ulo ko at bigla akong nakarinig ng matalas na tunog na mas nagbibigay sakit sa ulo at tenga ko. Napapikit-mata ako at kasunod nito ay may nakikita na naman ako sa isip, malabo, pero sigurado akong dalawang tao ito, isang lakaki at isang babae.

Magkahawak pa ang mga kamay nila habang tinatanaw ang isang nasusunog na bahay. Napaangat sila ng tingin at sa kanilang itaas ay makikita ang nasusunog na malaking plywood at bumagsak nga ito sa kanila, narinig ko pa ang malakas nilang sigawan.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now