Note: Pakihanda nalang po ako sa inyong mga tissue. Also, please play the music I put above para mas madama niyo ang bawat emotions.
•••••••
SUMMER CASTELO
"SUMMER..." napalingon ako sa paligid ko nang marinig ang isang familiar na boses na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Autumn.
Mas lalo pa akong kinakabahan dahil tila malamig na hanging dumaan ang boses ni Autumn. "Autumn, hintayin mo ako..." sigaw ko sa hangin.
Lalo ko pang binilisan ang pagbike. Hanggang sa narating ko na nga ang napakalaking bahay nila Autumn na mukhang mansion. Mula sa malayo ay nakita ko ngang nasa labas si Autumn at malamang ay nagpahangin habang hinihintay ang mga magulang niya, dahil 'yon ang nakasulat sa kwento.
Ngayong mukhang magkatotoo nga ang nakasulat ay wala na akong pinalampas pa. Pinarking ko dito sa gilid ang bike at tumakbo papunta kay Autumn, gulat siya nang makita ako. "Mahal ko, mabuti dumalaw ka dito? Kumusta ka na pala?" Pag-aalalang tanong niya sa 'kin dahil nga nawalan ako ng ama.
"Mayamaya na tayo mag-usap. Mahal ko, kailangan mong sumama sa akin." Sabi ko sa kanya. "Saan naman?" Tanong niya. "Hindi ko alam. Kahit saan. Basta makalayo lang tayo dito." Hingal na hingal na ako dahil halos natataranta na ako.
"Sige, sasamahan kita ngayong gabi at kung hanggang kailan mo gusto." Isinama niya ako sa loob ng bahay nila at sumakay kami sa kotse niya. Pagkalabas namin ay ipinasok ko na rin sa kotse niya ang bike ko.
Nagmaniho na siya at hindi pa kami nakakalayo ay sakto namang dumating ang mga magulang niya sakay sa itim nilang kotse. Nakita 'yon ni Autumn kaya inihinto niya ang sasakyan. "Sila Mama na 'yon, kailangan muna natin magpaalam para hindi sila mag-alala..."
Dahan niyang inatras ang kotse para bumalik sa bahay nila, pero agad kong hinawakan ang kamay niya kaya napahinto siya. "Autumn huwag ka ng bumalik, mapapahamak ka lang..." tugod ko sa kanya pero nagkunot ang noo niya. "Anong ibig mo sabihin?"
Napabuntong hininga ako. "Lahat ng nangyari sa atin at mangyayari palang ay nakasulat na sa lumang notebook. Ang pagkamatay ni Papa at mga mangyayari sa gabing ito ay nakatala na sa papel. Hindi ko naligtas si Papa, pero ngayon ay may magagawa ako para mapigilan ang lahat ng ito. Pwede natin maiwasan ang mangyayari ngayon." Kabadong-kabado ako na nagpaliwanag.
"B-Bakit, ano bang mangyayari sa 'kin ngayon?" Mababang tuno ng boses niya. "Ipapaliwanag ko din sa 'yo. Pero sa ngayon kailangan na nating umalis dito dahil wala na tayong oras. Sa ilang sandali lang ay magkabarilan na sa bahay ninyo." Tugon ko.
Hindi nga ako nagkamali dahil agad naming narinig ang sunod-sunod na putokan ng baril. Nilingon namin ang bahay nila at napapaligiran nga ito ng mga police na nakikipagbarilan sa mga guards ng parents ni Autumn.
Mayamaya pa ay nanlaki ang mga mata namin nang lumabas ang isang police at hawak ang isang tao na tila nabaril at unti-unting nanghihina, ang taong ito ay walang iba kundi ang Papa ni Autumn. "Papaaaa!!!" Agad na napasigaw si Autumn.
Maging ako ay nanghihina nang makitang umiiyak ngayon si Autumn habang bakas ang galit sa mukha. "Mahal ko, pasensya na pero kailangan kong balikan sila..." sabi niya at lalabas na sana siya pero agad ko hinawakan ang kamay niya.
"Autumn makinig ka sa akin. Wala na tayong magagawa sa kanila, kapag bumalik tayo do'n tayo naman ang mapapahamak." Dahan-dahan kong hinaplos ang mga pisngi niya. "Pinapangako kong ililigtas kita sa kung anong mangyayari sa atin. Pero sa ngayon kailangan mo muna iligtas ang iyong sarili. Mahal ko, tumatakbo ang oras."
YOU ARE READING
Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical Edition
RomanceSummer is a writer who fall in love to her own fictional character named Autumn. She made him romantic, kind hearted, caring and loving, indeed a perfectly fine character. She has no interest to every boys in this world, but only to a man who just e...