Chapter 12

318 19 0
                                    


SUMMER CASTELO

PAGKATAPOS ko ma-parking ang bike ay sumabay na ako sa mga students na tumawid dito sa pedestrian. May nadaanan akong isang student na mukhang familiar sa akin, hindi ko siya natignan ng matagal dahil kailangan na namin magmadali dahil paubos na 'yong oras sa traffic light.

Pagkapasok ko sa campus ng Heartful Academy ay kanina ko pa napapansing may nakasunod sa 'kin. Napahawak ako sa sarili kong mga braso dahil masama ang pakiramdam ko dito. Sinubukan kong lumiko ng direksyon at nasulyapan ko siya sa likod at nakasunod pa rin siya.

Huminto na ako at hinarap siya. "Stop following me!" Pasigaw kong sabi.

Ngunit nanlaki ngayon ang mga mata ko nang makita ang hindi ko inasahan, si John. Ilang araw din siyang nawala dahil sa aksidenting nangyari na nabagok ang ulo niya sa bato.

"John? Nagbalik ka na?" Napalunok akong nagtanong at kumakaba pa ang dibdib ko,


Habang nakatitigan ko ngayon si John dito sa malawak na entrance area ng campus ay nakaramdam ako ng kaba dahil may masama akong naramdaman mula sa kanya.

Balot na balot pa rin ng puting bandage ang ulo niya at makikitang dahan-dahan nagbakas ang galit sa mukha niya, salubong ang mga kilay at tila umuusok ang ilong. "Yes, nagbalik na ako. At hindi ko mapapalampas ang ginawa mo sa 'kin. Pagbabayarin kita..." halos mapaos siya dahil sa diin ng pagkasabi niya.

Lalo akong kinabahan. "John it was an accident...walang may gusto sa nangyari..." pagpaliwanag ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan at tila mas nagpadala sa galit niya, bigla niyang hinawakan ang braso ko at agad akong hinila palayo dito. "Sa principle's office ka na magpapaliwanag...at sisiguradohin kong matatanggal ka dito sa school dahil sa ginawa mo sa 'kin..." galit niyang sabi habang hinihila ako.

Tila gusto ko na lumuha dahil sa takot na baka magkaroon ako ng record, goal ko pa naman na matapos sa senior high na hindi magkaroon ng bad records at warning.


"Please John, huwag naman sana umabot dito...nakikiusap ako, huwag mo na ako i-report sa office please..." nagmamakaawa na ako sa kanya dahil ayaw ko rin madamay si Mama dito.

Bigla siyang natigil at galit na lumingon sa 'kin. "Ayaw mo sa office? Pwes dito nalang, para marinig ng lahat ang pagtatangka mo sa buhay ko..." bigla siyang natawa ngayon kaya lalo lang ako natatakot para sa sarili ko.

Mahigpit niya ngayon hinawakan ang mga buhok ko at ipinaharap ako sa mga students ditong dumadaan. "Makinig kayong lahat!" Malakas niyang sigaw, at dahil itong pwesto na kinatatayoan namin ay tila nakapagitna, ay napatingin nga sa amin ang mga students na nandito sa area.

Itinuloy niya ang pagpapahiya sa akin sa harap ng maraming students. "Makinig kayo! Iwasan niyo ang babaeng ito dahil mamamatay tao ito! Sinubukan lang naman niya akong patayin...siya ang gumawa nito sa 'kin, hinampas niya ng bato ang ulo ko!" Sigaw niya.

"H-Hindi totoo 'yan...hindi kita hinampas, aksidenti ang pagkabagok ng ulo mo sa bato..." sinubukan ko pa rin magpaliwanag kahit ang sakit-sakit na ng ulo ko kakahawak niya ng mahigpit sa buhok ko.


Natawa ulit si John na parang diablo kung makatawa. "Wala ka na bang ibang ipapalusot dyan Summer, nakakaumay na eh...huwag mo na subukan pa magsinungaling, dahil lahat ng mga kasama natin sa bahay nong araw na 'yon, ikaw ang tinuturong naghampas ng bato sa ulo ko..." napakagat siya sa labi dahil tila sa panggigigil niya.

Napanganga ako ngayon sa gulat. "L-Lahat? P-Pati sina, Ami at Belle...?" Halos hindi ako makapaniwalang nagtanong.

"Oo Summer, oo! Kaya wala ka ng kawala ngayon, alam mo naman sigurong lawyer ang mga parents ko, madali lang sa akin ang kasohan ka at ipapakulong sa nagawa mo sa 'kin..." lalo niyang hinila ang mga buhok ko kaya nakaramdam ako ng sakit.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now