SUMMER CASTELO
SINUSUBUKAN ko maging okay. Sinusubukan kong lumaban ulit. Sinusubukan kong ilagay ulit ang isip at puso ko sa story na sinusulat ko.
Kahit nasasaktan inuuna ko pa rin ang kwento ng iba kaysa sarili kong buhay na gulong-gulo ngayon.
Mas pinapahalagaan ko pa ang feelings at point of view ng iba kaysa sa sarili kong pakiramdam na durog na durog na ngayon.
Sinusubukan ko pang ngumiti habang nag tatype sa dialogue ng mga characters ko. Pero hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko. "How I even so master typing their words inside my mind, when I don't even care about my feelings, I can't even speak what I feel..." tumatangis sa sakit lang ang aking nagawa.
Basang-basa na ng luha ang keyboard at ang aking mga kamay na patuloy pa rin sa pag type. Natigil ako sa pagta-type at napatingin nalang sa laptop. Sobrang dami kong narealize. Mas mabuti pa pala ang dati na nagsisimula palang ako, mas mabuti pa 'yong sa diary lang ako nagsusulat at ibinabahagi sa notebook ang mga salitang hindi ko masabi-sabi.
"I just wished I can go back the time, where I no stressing myself..." I cried.
Mayamaya ay dahan-dahan nagbukas ang pinto ng kwarto ko kaya dali-dali kong inalis ang mga luhang dumapo sa pisngi ko. Pagkapasok ni Mama ay tumalikod ako mula sa laptop para hindi niya makita.
"Summer, are you okay?" Tanong niya at dahan naman akong tumango. "Y-Yeah, I'm fine Ma." Sagot ko, pero nakakunot pa rin ang noo niya. "Mukhang hindi eh, kahit hindi mo sabihin ay alam kong nalulungkot ka, halata sa mga mata mong parang galing sa pagluha." Wika niya.
Umiling ako. "O-Okay lang po talaga ako..." sinubukan ko pang ngumiti, habang papalapit ngayon si Mama ay sinusubukan kong takpan sa likod ko ang laptop, pero nililingon niya ito.
"Ano bang meron sa laptop mo at pilit mong itago sa likod? May sira ba 'yan?" Tanong niya at agad ko namang hinawakan ang screen ng laptop ko. "W-Wala po ito..." naubosan na ako ng ipapalusot ko kaya hindi ko alam anong sasabihin ko.
"Patingin nga ako," hinawakan na ngayon ni Mama ang kamay ko at dahan-dahan na inalis mula sa screen, wala na akong magawa hindi na ako umangal at naghintay nalang na pagalitan ni Mama.
"Baka nasira na ito—" nakita ko pang natigilan si Mama at tulala siyang nakatingin sa laptop. "C-Chapter 17, Autumn Stanford POV..." mababang tuno ng boses niya habang binasa ang nakasulat sa screen.
Napayuko nalang ako at hindi ko magawang tignan si Mama pero alam kong magagalit siya. "How long? How long you hide it from me?" Nagbitaw na nga siya ng tanong na nagpakaba sa akin.
Hindi ko magawang sumagot dahil napangunahan ako ng kaba at emotion. Pero ramdam kong disappointed ngayon si Mama habang nakatingin sa akin. "Nagpakapagod ako sa trabaho, I did everything for you...and you just betrayed me, nagsusulat ka rin pala." Malalim ang buntong hininga niya.
"I kept telling you na tigil-tigilan mo na ito! Tigilan mo na ang pagsusulat dahil wala kang mapapala dito kundi sakit lang sa ulo! Nagpapaka-pagod ako sa trabaho, stress na ako sa negosyo, habang ikaw dito ka sa walang kwentang bagay nagpapakapagod at nagpapaka-stress!" Pagsisigaw sa akin ni Mama.
Kahit nanginig ay sinubokan kong sumagot. "T-Trabaho din naman 'to ah..." sagot ko.
"But you're too young to be stressed in this! Alam mo bang dito sa mundo kaunti lang ang nangarap n'yan dahil mental stress lang ang mapapala dyan! Pagod na ako Summer, paulit-ulit nalang tayo...huwag kang magpapakatanga dito!" Ramdam ko ang matinding galit ni Mama.
YOU ARE READING
Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical Edition
RomanceSummer is a writer who fall in love to her own fictional character named Autumn. She made him romantic, kind hearted, caring and loving, indeed a perfectly fine character. She has no interest to every boys in this world, but only to a man who just e...