Chapter 18

238 13 0
                                    


SUMMER CASTELO

NAGKAROON ng katahimikan sa loob ng guidance office, wala ni-isa ang naunang magsalita. Ilang minuto din kaming nag-iiwasan ng tingin dito dahil sa kaba, maging ako ay sa sahig lang ang tingin.

Pero kung may isa man dito sa amin ang may tapang na makipagtitigan ay si Autumn 'yon. Kanina ko pa siya napapansin na nakatitig sa grupo ng mga kalalakihan na nakaaway nila.

Salubong ang mga kilay niya at palipat-lipat pa ang tingin niya sa limang lalaki na kaaway nila.

Dahan-dahan kong kinurot ang kamay niya kaya napatingin siya. "Bakit ba?!" Mahinang sabi niya. "Baka nakalimutan mong nasa loob tayo ng office, huwag ka na gumawa pa ng gulo..." pagpaalala ko sa kanya pero inirapan lang niya ako at parang baliwala lang 'yon sa kanya.

Magkatabi kami ni Autumn at nasa likod namin ang tatlo pa niyang barkada na tahimik lang. Habang kaharap naman namin ang limang kaaway nila at may kunting space lang ang pagitan.


Itinuloy pa rin ni Autumn ang tila nang-aasar niyang tingin sa lima, may pangiti-ngiti pa siya na parang natatawa siya sa mga ito. Mukhang nainis na nga sila sa kanya, kaya napatayo ang isa sa kanila. "Anong problema mo?!" Sigaw nito kay Autumn.

Agad din naman na tumayo si Autumn at lumapit sa kanya. "Anong problema ko? Kayo! Kasi ang papanget niyo!" Pinagtuturo pa niya ang mukha ng mga ito at nagsimulang magtawanan ang mga kaibigan niya sa likod ko.

Mukhang nahahawa na ako sa tawa ng mga kaibigan niya pero sinusubukan ko namang pigilan dahil ramdam ko ang intense sa pagitan ni Autumn at ng isang lalaki.

"Napaka-yabang mo talagang hayop ka!" Galit ng lalaki at pinabayaan ko nalang sila.

Wala na akong paki kung mag a-away pa sila, kanina ko pa inaawat si Autumn pero ayaw naman akong pakinggan, kaya bahala na siya dyan.


Muntik na silang magsuntokan pero buti nalang ay umawat na ang dalawang guidance counselor, sinapak pa ni Sir Nal ang desk niya kaya natigil ang dalawa. "Hindi pa ba kayo titigil?! Wala na kayong respeto, nasa loob kayo ng office at naghahanap pa rin kayo ng gulo!" Pagtaas ng boses ni Sir.

Hindi na natuloy ang suntokan ng dalawa nakahanda pa naman ang mga kamao nila. Nagkatitigan nalang sila ngayon sa gitna. Hinawakan ko ang kamay ni Autumn at hinila siya pabalik sa upuan niya, kaya bumalik na rin ang lalaki sa upuan niya.

Balik ulit sa tahimik dito sa loob ng office. Nakatingin sa amin ang dalawang guidance counselor na nakaupo sa harap ng malaking desk. Napabuntong hininga si Sir Nal. "Sino sa inyo ang nagpasimuno ng gulo?" Tila inis niyang tanong.

Agad na itinuro ng limang lalaki si Autumn. "Si Autumn po! Payapa lang naman kami naglalakad tapos bigla-bigla nalang siya sumusugod at nang-bubully..." sabi ng lalaki na kanina lang muntik makasuntokan ni Autumn.

"At pinatulan niyo naman...?" Mukhang disappointed na nagtanong si Sir.

"Eh nakakapikon na po eh...sobra-sobra na ang kabastosan niya dito sa school..." sagot nito.


Ibinaling ngayon ni Sir Nal at Ma'am Jenny ang tingin nila kay Autumn. "So ikaw na naman." Seryosong wika ni Ma'am Jenny.

Napakamot sa ulo si Sir Nal. "Puro nalang gulo at sakit sa ulo ang dala mo dito sa HA! Ipaalala ko lang sa 'yo na makailang ulit ka na pabalik-balik dito and you still haven't learn the lesson, ganon ka pa rin, troublemaker!" Ramdam ko ang pinaghalong inis at disappointed ni Sir kay Autumn.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now