Chapter 11

360 21 0
                                    


SUMMER CASTELO

NANG magsapit ang gabi muli akong naparito sa rooftop ng bahay namin, habang nakaupo ako sa bench ay hawak-hawak ko naman ang Mystic Stone. Hindi ko ito itinapon kahit pa hindi na ito umilaw.

Napabuntong hininga ako. "Ano kayang special mong kakayahan?" Napatanong ako dito mismo as if naman sasagotin ako nito. Sa pagkaalala ko kasi may sinabi sa 'kin si Lola na bawat stone ay may special na kakayahan na tanging sa kanila lang talaga.

Binitawan ko nalang ito at iniwan dito sa bench, dahan-dahan akong naglalakad dito sa malawak na espasyo ng rooftop at wala akong ibang naisip kundi si Autumn. "Autumn, nasa'n ka? Pwede ka ba magpakita? Gusto lang kita makasama ngayong gabi." Tawag ko sa kanya.


Mayamaya ay naramdaman ko naman siya mula sa likod, kaya dahan-dahan akong humarap at napangiti ako dahil siya nga 'to at gaya ng laging nangyayari kapag sumusulpot siya ay napapalibutan pa rin siya ng mga purple na hangin.

May ngiti sa labi niya. "Madalas ka pala dito kapag gabi." Sabi niya at napatango naman ako. "Yes, malamig kasi ang hangin dito at gustong-gusto ko 'yong makikita ko ang mga bituin." Nakatingala ako ngayon sa ulap.

Dahan-dahan siyang tumabi sa 'kin at pariho kami ngayong nakatingin sa ulap na nababalot ng mga kumikinang na bituin. Ilang oras ng pagkatahimik namin habang nakatingala ay may binitawan siyang salita, bagay na nagpagulat sa 'kin.

"Bakit sa dami ng pwede mo hilingin, bakit ako pa?" I even stunned to speak dahil sa naging tanong niya, napanganga lang ako habang napalingon sa kanya. "Pwede namang i-hiling mong maging okay kayo ng mama mo, at susuportahan ka niya sa pagsusulat." Dagdag pa niya.


Napa-isip ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin, nadagdagan na naman ang iniisip ko dahil tsaka ko lang 'yon na-realized. "Oo nga 'no...bakit kaya hindi 'yon naisip?" Napahawak tuloy ako sa baba ko at tila napa-isip.

Nilingon ko siya nang mapansin ko siyang nakabusangot. "So pinagsisihan mong hiniling mo ako?" Nakanguso siya ngayon kaya bumagsak na naman ang mukha ko dahil ito na naman siya, paniguradong nagtatampo na naman ito.

"H-Hindi ah, hindi ganon..." sinubukan ko pang magpaliwanag pero natigilan ako dahil makikita ang lungkot sa mukha niya. "Ayaw mo 'ata sa akin eh, balik nalang ako sa loob ng stone..." lumakad na siya paalis kaya nataranta na ako kung paano siya suyoin.

Dali-dali ko siyang hinabol. "Uy sandali lang, napaka-tampohin mo naman..." pagkalapit ko sa likod niya ay agad ko hinawakan ang braso niya. "Magpapaliwanag ako, huwag ka munang umalis..." mababang tuno ng boses ko dahil napahingal pa ako.

Kumakaba ang dibdib ko. "N-Napakarami kong na-realized sa gabing 'yon, naisip kong baka tama nga si Mama, hindi nga para sa 'kin ang pagsusulat, kaya itinigil ko na ito..." napayuko pa ang ulo ko dahil sa lungkot.


Pero kahit na kumakaba ang dibdib ko ay hindi ko alam kung anong nakain ko, hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko, hindi ko alam kung bakit nagawa kong gawin ang hindi ko inasahan, dahan-dahan kong hinawakan ang likod niya at dahan-dahan itong papunta sa harapan niya, kaya yakap-yakap ko siya ngayon.

Naging mahigpit pa ang pagyakap ko sa kanya. "Ikaw ang hiniling ko sa tala, dahil wala na akong mahihiling pa kundi ikaw lang...okay naman talaga ang buhay ko eh, pagdating sa mga lalaki lang ako nagka-problema, naubos na ang tiwala ko sa mga lalaki dito sa mundo, lalo na kay Papa..." habang sinasabi ko ito ay napapikit ang mga mata ko at pinapakiramdaman ko ang pagyakap ko sa kanya.

"Kaya kita nilikha na ibang-iba sa kanila, para kahit papaano ay matakasan ko ang magulong mundo na 'to...at makakauwi ako sa 'yo, na naging pahinga ko na...kaya pakiusap huwag mo akong iwan..." may nagbabadyang luha sa mga mata ko habang binitawan ang mga katagang 'yon.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now