Chapter 26

245 15 0
                                    


SUMMER CASTELO

IT'S Sunday at ngayon lang ako naka-recover mula sa mga nalaman ko nong Friday ng gabi. Mga ilang oras din akong nagkukulong sa kwarto at iniisip ang bawat hakbang na gagawin.

Makailang ulit din ako tinitext ni Autumn pero hindi ko magawang replyan dahil hindi ko alam kung paano ko siya kausapin.

Pero habang nakahiga ako ngayon sa kama ay isang bagay ang pumasok sa isip ko. Hindi pwedeng habang buhay ko nalang itatago ito kay Autumn, may karapatan siyang malaman dahil kahit fictional character lang siya ay may feelings pa rin siya, at tatanggapin ko kahit magalit pa siya sa 'kin.

Kaya naman dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang cellphone na nasa tabi ko, tinext ko si Autumn na puntahan niya ako ngayon din sa bahay, at ilang minuto lang ay nag reply siyang papunta na siya.

Inihanda ko na ang sarili ko at hinawakan ko ngayon ang lumang notebook. "Gabayan mo ako sa pag-uusap naming ito..." sabi ko dito.


Nagdaan pa ang ilang oras ay nakita ko na nga sa labas ng bintana ang pagdating ng kotse ni Autumn sa harap ng bahay namin, pinarking niya ito sa front yard at pinagbuksan ko naman siya ng pinto.

Pagkapasok niya sa bahay namin ay ipinaupo ko muna siya sa sofa dito sa living room namin. Iniwan ko muna siya at pumasok ako sa kwarto, paglabas ko ay dala ko na ang lumang notebook.

Dahan-dahan akong lumapit at kahit kinakabahan ay pinipilit kong labanan ang nararamdaman. "N-Nais kong wala tayong ibang pag-uusap, kundi ito lang..." dahan-dahan kong inilapag ang notebook sa maliit na desk na nasa harapan niya.

Napakunot-noo siya habang tinitignan ang notebook. "Bakit, anong meron sa notebook na ito?" Nilingon niya ako at napaiwas naman ako ng tingin.


Hindi ko siya kayang tignan, ni-hindi ko kayang umupo sa sofa na nasa harapan niya, ang nagawa ko lang ngayon ay mananatili sa kinatatayoan habang malayo ang tingin. "Dyan, dyan sa lumang notebook ka nanggaling..." pinigilan ko maging emotional

"A-Anong ibig mong sabihin...?" Naging mababa ang tuno ng boses niya habang nagtanong, gaya ng inasahan ko ay magtataka siya.

May nagbabadyang luha sa mga mata ko at ayaw kong makita niya akong lumuha kaya dahan-dahan akong tumalikod. "Sa notebook na 'yan, nakasulat ang original na version ng story...at dyan ko sinusulat ang mga naiisip ko nong mga panahong magulo at madilim pa ang mundo ko..." napatakip ako ng bibig para hindi niya ako marinig na umiyak.

Ilang sandali pa ay napansin kong hinawakan niya ang notebook at tinitignan ang bawat pahina nito, habang patagal nang patagal ay bumibilis ang paglipat-lipat niya ng pahina, ramdam kong natataranta at kinakabahan na siya.

Dahan-dahan ko siyang hinarap. "Kaya patawad...isang maling hiling ang nagawa ko..." basang-basa ngayon ng luha ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya.


Napatigil siya sa kakatingin ng pahina at parang natulala nalang siya ngayon. "Ibig sabihin, walang mali sa akin, dahil ito na talaga ang totoong ako, dito nakasulat ang totoong kapalaran ko..." dahan-dahan niya akong nilingon. "Ibig sabihin ikaw ang nagkamali..." nakatingin siya sa mga mata ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, dahil sa labis-labis na panghihina ay napaupo ako sa harapan niya at dahan-dahan na lumuhod.

"P-Patawad...patawarin mo ako, ako ang dahilan kung bakit ka napunta sa mundong ito, ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang kapalaran mo..." walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang dahan-dahan kong hinawakan ang mga kamay niya. "Kaya hayaan mong ako ang gagawa ng paraan para maialis kita sa dati mong kapalaran..."

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now