Chapter 7

543 26 0
                                    


SUMMER CASTELO

TULALA at nakatitig sa labas ng bintana, ito lang ang nangyayari sa akin ngayon. Parang gulong-gulo pa kasi ako sa lahat ng mga nangyari, blanko pa ang isip ko at hindi alam kung saan mag focus.

Gusto kong kalimutan ang lahat ng 'yon at makipag-tawanan sa mga classmates ko, pero tuwing naiisip ko ang kababalaghan na 'yon ay tila nawawala na naman ako sa sarili at kung saan-saan lumilipad ang isip.

Hindi pa nga ako naka-move on do'n sa sakit na pag let go ko sa pangarap ko, tapos dumagdag pa 'yong shooting star na hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa dalang magic no'n.

Kahit nangyari mismo sa akin at natuklasan ko ang pagbagsak nito sa bahay namin ay hindi pa rin ako naniniwalang tutupad ito ng hiling. Oo nong gabing medyo naniniwala ako, pero binabawi ko na, dahil hindi naman ako sira-ulo para magpaniwala sa fairytale na 'yon.

Hindi nga ako nagpapaniwala sa mga lalaki, malaki ang trust issue ko, sa ganyan pa kaya na usapang magic na talaga.


Pero napakunot-noo akp ngayon nang dumaan sa isip ko ang kanina lang nangyari na nakita ko si Autumn na dumaan mismo sa gilid ko. "T-Totoo ba talaga 'yon?" Mahinang tanong ko sa sarili.

Baka kasi kathang-isip ko lang 'yon dahil alam namang writer ako kaya kung ano-ano nalang nalilikha ng isip ko. Pero may kakaiba talaga kanina eh, parang totoo talaga ang lahat sa kanya mula ulo hanggang paa, tsaka hindi naman siya parang multo na tumagos kanina.

Umiling ako. "Hindi...imposibleng totoo 'yon, dahil may mga pa-effect pang hangin na amoy lavender, kaya siguradong imagination ko lang 'yon..." sabi ko ulit sa sarili, nagmumukukha na akong balyo dito kinakausap ang sarili.

Siguro nga imagination ko lang 'yon, dala siguro nang pag hiling ko sa shooting star kaya naisip ko kanina na nasa tabi-tabi ko lang siya. 


Natigil ang pag-iisip ko nang dumating na ang mga kaibigan ko, at usuall maiingay pa rin sila kahit kakapasok lang sa room, tawa sila nang tawa.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko talaga kanina maabutan ko na silang nagka-klase na pero hindi pa pala, at hindi lang ako ang late dahil pati na ang mga kaibigan ko. Pero hindi naman kami matatawag na late dahil wala pa naman si Ma'am.

Lumapit na sila dito sa pwesto namin sa likod at tumayo ako para makipag-bisohan sa kanila. "So how's your life Summer? Anong bago sa life mo?" Inasahan ko ang tanong na ito ni Ami dahil kilala naman kasi niya akong boring masyado.

Napabuntong hininga ako. "I decided to stop writing." Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila na parang hindi sila makapaniwala. "Although it's my passion, but mom is right, for the sake of my health." Dagdag ko pa.

Natigil ang pagnganga ng bibig nila at dahan-dahan na ngumiti. "Congratulations then...hindi na magiging boring ang life mo, you can now experience things na hindi mo pa nagagawa dahil sa kakasulat mo..." tuwang-tuwa si Belle habang hawak-hawak pa ang kamay ko.

"S-Susubukan ko..." sagot ko at agad nila akong niyakap. "We're happy for you." Sabi sa akin ni Ami.


Pagtapos namin magyakapan ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hindi ko inasahan, si Autumn na nakatayo malapit sa likod nila at napapalibutan pa rin ng kulay purple na hangin, ganon pa rin ang suot niya nong una ko siya nakita sa pedestrian.

Habang kalmado siyang nakatingin sa akin ay parang may kakaiba siyang pahiwatig.

"A-Autumn..." sa sobrang gulat ko ay agad na bumagsak ang katawan ko at napaupo nalang ako sa upuan habang nanlalaki pa rin ang mga mata.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now