Chapter 13

355 18 0
                                    


SUMMER CASTELO

SA unang pagkakataon ay napasama ako kay Autumn sa kanyang pag teleport, hinawakan lang niya ang kamay ko at mula do'n sa entrance area ng campus ay naglaho kami.

Inasahan kong sa labas ng classroom kami mag teleport dahil 'yon ang sinabi ko sa kanya. Pagka-teleport namin ay napalingon ako sa paligid at napanganga ako nang makitang nandito kami sa loob ng Enchanted Park.

Habang nililingon ko ang paligid na 'to ay dahan-dahan akong napangiti dahil na-miss ko ang ganda nito, matagal na rin akong hindi nakapunta dito. Para sa akin ito ang pinaka-magandang park sa lahat ng park dito sa campus ng Heartful Academy.

Malayo ito sa lahat, mag-isa itong matatagpuan dito sa part na medyo tago sa campus. Sinadyang dito inilagay ang Enchanted Park para malayo sa mga buildings, malayo sa ingay, at matatawag itong payapang lugar kung saan pwede makapagpahinga ang mga HA students at staff.


Naging tambayan na ito ng mga students na gusto munang lumayo sa ingay, mapag-isa, o hindi kaya matulog or mag picnic sa mga malalawak na field. May pumupunta din ditong grupo ng mga kaibigan o classmates na gumagawa ng assignments.

Aside sa peaceful and calm vibes na dala nitong Enchanted Park ay nature friendly din ito. Hindi na kailangan ng mga students na pumunta sa mga malalayong lugar para mahanap ang comfort, dito palang ay therapy na ang mga naggagandahang nature.

Bawat paligid ay merong makikitang mga nagtatangkadang kahoy at bawat sulok ay may mga iba't ibang uri ng bulaklak na nagbibigay dito ng kulay.

Isa sa paborito ko ay ang mga simple pero elegant na mga tulips, merong iba't ibang kulay ng tulips na may iba't ibang meaning. May lovely red, sweetly pink tulips, calmly blue, white innocent, royalty yellow tulips, at syempre ang paborito kong mystical purple.

May makikita din ditong mga bench na nakalagay sa gilid-gilid at ang ilan pa sa mga ito ay nasa ilalim ng puno. Dahil sa mga kahoy na narito ay lalo pa naging sariwa ang mga hangin sa paligid, kaya kahit saan ka tatambay or uupo ay mahahaplos ka ng malamig na hangin.


Na-appreciate ko nga ang ganda nitong Enchanted Park pero hindi naman ito ang gusto kong puntahan eh, kaya inis kong nilingon si Autumn. "At bakit mo ako dinala dito? Eh sa classroom naman ang sinabi ko sa 'yo..." sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Tambay muna tayo dito." Sagot niya at walang expression na nga ang makikita sa mukha ko dahil sa pagka-disappoint ko sa kanya. "Seryoso ka? Eh mala-late na nga ako tatambay pa tayo dito..." seryosong sabi ko sa kanya.

Maingat niyang hinawakan ang mga braso ko at dahan-dahan akong ipinaupo sa bench. "Kaya kita dinala dito para magamot muna kita. Dahil ayaw kong makita kang may sugat." Malamig ang tuno ng boses niya habang gentle pa rin ang pagkahawak niya sa braso ko.

"P-Paano mo naman gagawin 'yon?" Napatanong ako.

Biglang naglabasan ng kulay lila na mga hangin ang dalawang kamay niya at napanganga nalang ako sa gulat nang unti-unti akong pinalibutan ng mga hangin ngayon.

"Magtiwala ka lang sa 'kin." Habang sinabi niya ito ay nakatitig sa 'kin ang kalmado niyang mga mata, kaya hindi ko napigilan ang sarili kong ngumiti pabalik sa kanya dahil sa sobrang charming niya.


Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pagdaloy ng hangin sa katawan ko, hindi lang nila pinapagaling ang mga sugat ko sa labas kundi tila inaayos din nila ang mga buto ko sa loob.

Dahan-dahang nagpikit ang mga mata ko dahil napapakiramdaman ko ang mga hangin sa loob at labas ng katawan ko, napahawak pa ako ng mahigpit sa kamay ni Autumn dahil sa lamig ng hangin.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now