Chapter 21

253 13 0
                                    


SUMMER CASTELO

NAKATINGALA sa ulap at may nagbabadyang luha ang papatak sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung paano ko aayosin ang lahat ng ito. Hindi pa nga ako nagawa ng hakbang, dumagdag na naman siya.

Dinagdagan na naman niya ang problema, sa pagpasok niya sa isang gang o malaking association na Dragona ay lalo niyang pinapalala ang situation.

Siguradong susubukan ni Armagon ang kakayahan ni Autumn na pumatay ng tao, kapag mangyari 'yon mas lalo akong mahirapan na ibalik siya sa dati.

Hanggang sa hindi ko na nga napigilang pumatak ang mga luha ko. "Natatakot ako para kay Autumn...pero siya na ang pumili sa sarili niyang tadhana...wala man lang akong nagawa..."


Hindi ko nakayanan ang sakit, napayuko ako at basang-basa ngayon ng luha ang suot kong pajama. Ang akala ko ay hindi ako iiyak dahil magiging comfort sa akin ang pag-upo ko dito sa bench ng aming rooftop dahil sa ganda ng tanawin dito na napupuno ng bulaklak sa gilid-gilid at makikita sa itaas ang ulap na nababalot ng bituin.

Ngunit kahit pala tinatawag kong comfort place ang rooftop namin ay pakiramdam ko hindi na maaayos nito ang problema ko, hindi ako mabibigyan ng lakas nito para harapin ang pagsubok, dahil ang kaya ko lang gawin ngayon ay umiyak.

Habang tumatangis ay bumabalik naman sa isip ko ang mga pinag-usapan namin kanina ni Autumn, mga salitang hanggang ngayon sumusugat pa rin sa dibdib ko.


Hindi ko na kayang tignan silang nagkasayahan sa labas ng bodega, bawat pagtawa at pag-inom nila ng wine ay nagpapakaba sa akin dahil siguradong sa mga oras na ito pinag-usapan na rin nila ang planong pag-atake sa syudad.

Kanina pa ako palingon-lingon sa kanila dahil kanina ko pa hindi nakikita si Autumn, hindi siya sumali sa sayahan ng bawat membro, hindi rin niya kausap ang pinunong si Armagon na ngayon ay nakaupo sa malaking lamisa na inilabas pa nila para dito mag inoman.

"Saan siya nagpunta...?" Tanong ko sa sarili habang nakatago pa rin sa likod ng puno at patuloy na sumisilip sa sayahan ng grupo.

"Ako bang hinahanap mo?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang familliar na boses na 'yon, tuno palang ng boses alam ko ng si Autumn. "At talagang sinundan mo pa ako, ganon ka na ba ka-obsessed sa akin..." dagdag pa niya.

Nainis ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang hinarap. "Gusto ko lang makatiyak na safe ang pupuntahan niyo, dahil kahit masama pa ang ugali mo, mahalaga ka pa rin sa akin..." maging ako man ay nagulat sa nasabi ko, inis ako eh pero 'yon pa rin ang lumabas sa bibig ko, halatang nag-alala ako sa kanya.

Ngumiti lang siya at parang natawa pa sa sinabi ko. "Kahit anong gawin mo ay hindi mo na ako mapipigilan, lalo na ngayon na naging bahagi na ako ng malaking grupo." Seryosong sabi niya.


Nawala na ang pag-aalala ko at napalitan na ito ng galit. "Oo alam ko. Alam ko din na hindi ikaw ang Autumn na nilikha ko. Ang laki na nang pinagbago mo, wala ka nang pakiramdam basta lang magawa mong makasakit ng tao. Ang hirap mo na isulat." Halos mapaos na ako dahil sa diin kong pagkasabi.

"Dahil hindi mo pa ako lubusang kilala, you haven't seen the dark side of me. Lahat naman ng tao may dark side eh." Diretsahan pa rin niya akong sinagot at agad naman ako nag react.

"Eh hindi ka nga—work of fiction lang kita! Sinulat kitang completely perfect, walang kahit ni-isang red flag sign..." pataas-boses kong sabi sa kanya.

Dahan-dahan na siyang humakbang para iwan ako. "Lahat naman ng bagay nagbabago. People change, so am I. Baka nakalimutan mong tao na rin ako." Aangal pa sana ako pero muli siyang nagsalita. "Umalis ka na bago ka pa nila mahuli."

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now