SUMMER CASTELO
OUR rooftop is definitely my comfort zone. Naging madalas ang pagpunta ko dito dahil naging madalas na rin ang mga problemang dumadating.
Akala ko magiging okay na ang lahat, pero hindi pa pala. Mukhang may pagsubok na naman sa amin ang universe.
"Huwag ako mag-alala", 'yan ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Autumn kanina, pero hindi 'yon kadali eh, lalo na sa salitang "death" na biglang naisulat sa lumang notebook.
Hindi 'yon maalis sa isip ko. Dahil do'n ay tulala na naman ako habang nakaupo dito sa bench ng aming rooftop at nakatingala sa ulap.
"Iniisip mo pa rin ba 'yon?" Natigil ako sa pagkatulala nang marinig ko si Autumn, dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakita ko siyang papalapit sa akin.
May dala-dala siyang dalawang cup of coffee at dahan-dahan niyang inabot sa 'kin ang isa at tinanggap ko naman itong nakangiti. "Salamat..." pasalamat ko at dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko.
"I never though na sobrang hilig mo sa kape." Sabi niya. "It's not just a coffee Autumn, it's my greatest source of strength. Tanging kape lang ang kasama ko bawat gabing sinusulat ko kayo." May ngiti sa labi ko habang tinitigan ang mainit-init pang kape.
"Kung ganon, nawa'y napalakas ko ang iyong loob." Tugon niya kaya nabaling ko sa kanya ang tingin ko at pinilit ko naman ngumiti. "Huwag mong isipin ang kung anong mangyayari sa mga susunod na araw, meron tayong ngayon na dapat natin sulitin." May ngiti sa labi niya.
Dahan-dahan niyang itinuro ang mga bituin sa ulap. "Sikapin natin maging tulad ng mga bituin, na nagliliwanag sa madilim na ulap. Kahit may pagdadaanan man tayong dilim, huwag natin kalimutan magning-ning."
Dahil sa mga binitawang salita ni Autumn ay napangiti na nga ako. "Hindi ko akalaing may ganon kang mindset. Pero maraming salamat Autumn, napangiti mo ako..." sagot ko at sabay namin na nilingon ang ulap.
Gaya ng sinabi ni Autumn ay sinubukan ko ngayon tumingin sa bright side, pinilit ko maging positive pa rin ang mind. Umaasa ako na hindi 'yon ang magiging kapalit sa hiling namin.
Ininom namin ang aming mga kape at nagtawanan sa mga binibitawang biro. Hanggat maaari ay ayaw ko muna masamahan ng lungkot ang gabing ito at kailangan kong lakasan ang loob ko para kay Autumn.
Nang maubos na namin ang aming mga kape ay dahan-dahan na tumayo si Autumn habang nakatingin pa rin sa ulap. "Ngayong gabi, ako naman ang hihiling sa tala." Dahan-dahan niya akong nilingon. "Hihilingin ko ang walang hanggang pag-ibig para sa ating dalawa, Summer."
Napanganga ako sa kanyang nasabi at parang paunti-unting tumitigil ang mundo ko, naririnig ko pa ang pabilis nang pabilis na tibok sa puso ko nang dahan-dahan luluhod sa harapan ko. "Hihilingin kong mapa-sa akin ka Summer. Hayaan mo akong ibigin kita." He softly said it habang nakatingin siya sa mga mata ko.
Sa sobrang gulat at hindi ako makapaniwala ay dahan-dahan akong napatayo, mayamaya pa ay may kung anong kinuha si Autumn sa kanyang bulsa, at napatakip ako ng bibig nang makitang isa itong singsing na kung hindi ako nagkakamali ay gawa sa totoong ginto.
"Saan mo naman nakuha ang ring na 'yan? Mukhang mamahalin 'yan ah..." gulat kong sabi.
Dahan-dahan siyang napapakamot sa ulo na parang nahihiya. "Ninakaw ko pa 'to sa casino eh..." natawang sabi niya. "What? Talagang papasuotin mo pa ako galing sa nakaw ah..." nagkunot ang noo ko.
YOU ARE READING
Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical Edition
RomanceSummer is a writer who fall in love to her own fictional character named Autumn. She made him romantic, kind hearted, caring and loving, indeed a perfectly fine character. She has no interest to every boys in this world, but only to a man who just e...