Chapter 6

598 28 0
                                    


SUMMER CASTELO

DAHAN-DAHAN nag-mulat ang mga mata ko at tulala pa rin ako, wala akong maramdaman na kahit ano. Habang nakahiga ay sinusubukan kong tignan ang paligid ko at laking gulat ko nang mapagtantong nasa loob pala ako ng kwarto.

Dali-dali akong bumangon at medyo nawala ang kaba ko nang nasa sarili kong kwarto lang pala ako, inakala ko kasi na nasa ibang bahay ako.

Sumandal nalang ako sa kama at napabuntong hininga. "Walang nangyari kagabi, panaginip lang 'yon..." paulit-ulit ko itong sinabi sa sarili habang hawak-hawak ko pa ang ulo ko.

Lumingon ako sa gilid at bumalik ang pagkataranta ko nang makita ang purple kong alarm clock na nakapatong sa drawer at 7:20 na ang oras. "Lagot, mala-late na ako..." tumayo na ako at dali-daling lumabas ng kwarto.

Usually mga 6 palang gising na ako pero ngayon inabot ako ng 7. Binilisan kong kumain dahil pagpatak ng 8 magsisimula na ang klase. 


Nasa loob na ako ng shower at naging mabilis ang bawat kilos. "Panaginip lang ang lahat ng 'yon, panaginip lang 'yon..." ito ang paulit-ulit kong sinasabi habang naliligo.

Mukhang tama naman ang pagpapaniwala ko sa sarili dahil parang wala namang nangyaring bago, lalo na sa akin, ganon pa rin ang lahat dito, kaya malamang hindi totoo ang shooting star na 'yon.

Sure akong napaginipan ko lang 'yon, dahil minsan kasi sa mga panaginip ko parang totoo, parang nando'n talaga ako mismo.


Mayamaya ay natigilan ako nang parang may kung ano mula sa pintoan ng banyo. Dahan-dahan ko itong nilingon at napapakunot-noo ako nang tila may kulay purple na hangin ang pumapasok.

Nag start na ako mag panic nang parami nang parami ang mga pumapasok na purple na hangin. Napapaatras na ako dahil tila nilalapitan ako ng mga hangin na ito at sinasakop na ang buong banyo.

Tinakpan ko ang ilong ko at pinapaypay ang kamay para makalayo ang hangin sa mukha ko. Pero nang maamoy ko ito ay hindi naman pala nakakahilo. Nilanghap ko pa ito at amoy bulaklak naman siya, parang amoy lavender na sa pagka-alam ko ay kulay purple din tulad nitong hangin.


Pero hindi ako naging kampanti, agad kong kinuha ang towel kong nakasabit at sinuot ito bago ko binuksan ang pinto. Naglakad ako ngayon sa loob ng bahay namin habang may hawak-hawak na walis, para kung may masamang tao ay may pang hampas ako.

"S-Sinong nandyan? May tao ba dyan?" Tanong ko habang nililingon ang bawat sulok sa bahay.

Ngunit wala ni-isang tao ang makikita mula sa living room, sa kusina, sa kwarto ko at kay Mama, sinilip ko din ang front yard at walang tao. "Jusmeyo naloloka na ako...lalo ko pang pinapa-late ang sarili ko..." agad ko na binitawan ang walis at dali-daling tumakbo pabalik sa loob.

Pagkarating ko sa banyo ay napanganga nalang ako nang makitang wala ng mga hangin. "Anak ng kamatis, napag-tripan ba ako?" Pagtatakang sabi ko.

Isinara ko na ang pinto at itinuloy ang pag shower. "Namamalik-mata lang siguro ako?" Sabi ko sa sarili habang hinahaplos ko ang mga mata ko. "O hindi kaya likha lang 'yon ng malikot kong isip," Napahawak na ako sa ulo. "Damn it Summer, late ka na!" Inis na ako sa sarili.


Pagkatapos ko maligo at nakapag-bihis na rin ng school uniform ay lumabas na ako ng bahay. Habang naglalakad dito sa front yard ay napatigil nalang ako at nabitawan ko pa ang hawak kong cellphone sa sobrang gulat ko nang makita ang malalim na hukay ng lupa sa gilid.

Fictional Love | Heartful Academy 4 | Magical EditionWhere stories live. Discover now