CHAPTER 12
HARRY JEFSOVILE
NAGISING AKO dahil sa malakas na tunog ng alarm clock! Argh! I'm very tired. I am still yet wanted to sleep. Damn, alarm clock.
Sinubukan kong abutin ang alarm clock para patayin ito. Kinapa-kapa ko ang aking kamay pero hindi ko ito maabot. I stretched my right hand more sa abot ng aking makakaya para maabot yung hayop na alarm clock. Pero...
Blag!
Sh*t!
Nahulog ako sa higaan at nauntog ang ulo ko. I groaned as I opened my eyes at napagtanto kong mali pala ang direksyon ng inabutan ko ng kamay. Nasa may kaliwa nga pala ang table ko kung saan nakapatong ang bwesit na alarm clock na 'yon. Nakakainis.
"Harry! Are you okay?" narinig ko ang sigaw ni Mama mula sa labas.
"Yes, ma!" nasagot ko nalang. But the truth is, I'm not. I'm pissed.
Imbis na tulog mantika pa ang utak ko, pero dahil sa pagkahulog ko kanina ay nagising na lang ito bigla na parang inapoyan. Kay aga-aga, eh. Wait, maaga pa ba?
I checked the time and it's already past 11 in the morning. Hindi kataka-taka kasi ang tagal ko ring natulog kagabi. Inayos ko nalang ang napakagulo kong kama. Pumunta muna ako sa bathroom para maligo.
"Good morning, pogi," bati ko sa refleksyon ko sa salamin matapos kong maligo. "May lakad ka mamayang gabi, kaya paniguradong magkikita kayo ulit, okay? Huwag lang atat, nakakasira 'yan sa charm. Ang gwapo-gwapo mo pa naman," I flexed my biceps at saka pumorma.
"Kumusta ang pinakapogi kong anak?" bungad ni mama sa akin paglabas ko ng kwarto.
"Ako lang naman ang anak mo, ah. Pero ayos lang naman, ma. Nabagok lang naman ulit ang ulo ko," sagot ko habang inaalog nang kaunti ang ulo ko.
"Hala sige, panatilihin mo 'yan para pumangit ka," sarkastiko niyang saad. Nakakapangit ba kapag nababagok? Ito talagang si Mama kahit kailan. "Oh, siya. Kain ka na. Teka, bago ko pa makalilimutan, may dumating nga pala na invitation card para sa iyo. Kaya pala sobra ang tulog mo kasi may lakad ka," dagdag niya sabay abot sa akin ng pulang card. I smiled at her at kinuha iyon.
Napangiti na naman ako bigla matapos ko iyong basahin. Ano kayang kulay ang susuotin niya mamaya para pareho kami? Is it black, or silver?
Matapos kong kumain ay pinahiran ko ang aking bibig at tumingin kay mama. "Ah, ma, aalis na muna ako," I said and I stood up. "Bibili lang ako ng masusuot mamaya," paalam ko kay mama. She nodded her head while smiling at saka ako pumunta sa sasakyan.
Bubuksan ko na sana ang pinto nito nang may maalala ako na nangyari few days ago...
Naglakad ako patungong parking lot no'ng may nakita akong isang babae na lumapit sa kotse ko at parang may balak pang buksan ang pinto nito. Kaya tumakbo ako nang mabilis palapit sa kaniya.
'Pst... Miss! That's my car,' Tinapik ko ang kaniyang kamay na nakawak sa pintuan ng kotse ko.
'WHAT THE HELL?!' she yelled. Lumingon siya sa akin nang bahagya na ikinabigla ko. And there, nakita ko ang kaniyang mukha. Nagulat pa ako pagkakita ko na nandito rin si Eun-ji---the gorgeous woman that I danced during Andrew's birthday.
Napapahiyang tumingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. 'Ah hehe sorry, Miss, that's mine. Kotse ko 'yan,' nahihiyang sambit ko nalang causing her forehead to creased. Lumapit bigla si Eun-ji sa pwesto namin.
BINABASA MO ANG
WITH EYES TO THINK (Completed)
Mystery / ThrillerMystery, confusion, deception, lies---name everything, Leighton Wajeeh has experienced it all. How could he manage to handle all of them, especially, when the people around him had their deepest secrets? As the world seems too cruel for him, all he...