CHAPTER 20: ACTION!

10 3 0
                                    

CHAPTER 20

HARRY JEFSOVILE

"A-AHH... YUNA, may gusto sana akong sabihin sayo."

"What?"

Bumuntong-hininga pa muna ako bago magpatuloy. "Since the day that I met you, I felt something strange inside me," I muttered. Nakatingin lang siya sa akin, naghihintay sa susunod kong sasabihin. "You were always and still inside my mind. And I-I don't know why."

Napangiti siya bigla sa sinabi ko. Nakita ko pa siyang napabuntong-hininga bago magsalita. "And what are you trying to say?
That you also have feelings for me?" diritsahang tanong niya.

Wait, did she just say...

Nanlaki ang mga mata ko.

"Also? S-So ibig sabihin..."

"Pagdating sa mga bagay-bagay, ang dami mong alam. Pero sa puso ng babae wala kang kaide-ideya," she directly said.

"Yuna, please tell me. Just tell me straight to the point. Do you..." I paused. "Do you like me too?" seryoso, na may halong excitement, na tanong ko.

"Yeah, I like you."

"WAAAH!" nasigaw ko nalang sabay talon.

"Tss."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, matutuwa ba ako dahil sa mga sinasabi niya, o malulungkot dahil---

"Cut!" biglang may sumigaw. Nawala na ang matamis na ngiti ni Yuna at bumalik na sa dati niyang ekspresyon. "Nice shot!" Miss Gomez commented.

After a very long silence, the room filled with claps and cheers.

"Whoooohhh!"

"Parang totoo, 'no?"

"Oo nga, eh. Parang may something."

Putspa! Sana totoo lahat ng pinagsasabi ni Mondragon kanina. Sana totohanin nalang ang lahat.

Ngayon ang unang araw ko bilang student dito sa LSA. Hindi 'yan performance task o ano. Tinatanong lang ako kung ano ang talent ko. Let me tell you what happened bago ako nandito sa harapan.

About an hour ago...

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng campus dahil paniguradong late na ako ngayon dahil hindi pala gumagana ang alarm clock na s-in-et ko. At hindi ko alam kung saan dito ang classroom ko. Naghanap na ako kahit saan.

Umakyat ako sa isang hagdanan at isang hakbang ko pa lang ay hindi ko nalang namalayan na bigla na pala akong nadapa.

"Aray!" pabulong na sigaw ko dahil sa sakit. Unang katangahan ni Jef sa LSA. Damn!

Agad akong tumayo at nagpagpag ng dumi sa aking damit. Tumayo nalang ako nang mabilis dahil baka may makakita pa sa akin dito. Nakakahiya.

Ilang minuto pa akong naglalakad at salamat naman sa Diyos at nahanap ko na rin ang hinahanap ko.

"Whooh!" pagpapalabas ko ng pagod.

Binasa ko muna ang nakapaskil sa pintuan at ang nakasulat sa papel ko.

WITH EYES TO THINK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon