CHAPTER 32
HARRY JEFSOVILE
ALAS 8 NA ako ng umaga nakagising dahil hindi ako nakatulog agad kagabi sa kakaisip kung paano ko sasabihin kay Yuna na siya ang gusto kong magiging partner sa Acquaintance Party.
"Hay!" I sighed so deeply para maibsan itong tension na nararamdaman ko.
Yes, ngayong alas 2 ng hapon magsisimula ang acquaintance party. Ibig sabihin, wala kaming pasok at mamayang alas 2 pa kami pupunta sa LSA. Ang speaking of LSA, yesterday's revelation was very shocking. Yup, na-shock rin ako, 'no?
Akala kasi namin na ang LSA at Join Our Saint Organization ay magkaiba at pareho naming kalaban. Yes, kahit na I just knew a glimpse of it, I was invested with the case they were dealing. Sabi nga nila Leigh, we're already exposed, so it means, involve na kaming lahat.
Honestly, kinakabahan na ako sa mga posibleng mangyari sa amin. But right now, all I need to do is to stay beside Yuna. To them. I will not leave their side when worst day comes.
"'Wag mo munang isipin ang bagay na iyan, Harry. Magpa-gwapo ka muna---kahit hindi na naman kailangan," sabi ko nalang sa harapan ng salamin.
Suddenly someone knocked on the door na ikinaangat ng balikat ko.
"Son! Nandito si Drake," nagulat ako dahil sa lakas ng boses ni papa sa labas ng kwarto ko. Wala dito si Mama kaya hindi ko ine-expect ang pagkatok ni papa.
"Opo, pa. Kindly tell him that I'm coming, thank you!" pasigaw kong sagot. Hindi na ako nakarinig ng boses ni papa kaya agad na akong naligo at nagbihis.
Pagkarating ko sa sala ay nakita ko si Drake na nakaupo sa couch. Wait, siya lang mag-isa?
"Oh? Nasaan sina Zander at James?" takang tanong ko. It's strange na hindi niya kasama ang mga iyon ngayon. And nakapagpanibago na wala na kaming makakasamang Andrew.
"Ah... busy sila, eh. At saka may sasabihin lang ako sa iyo. Alam kong magugustuhan mo itong sasabihin ko," nakangiting sabi niya.
Umupo ako sa couch kaharap niya. "Ano yun?" interesado kong tanong.
"It is about the new VR game!" masiglang sabi niya na ikinabigla ko.
"R-Really?" I asked excitingly. I really love VR games. Lahat na ng larong ganyan ay nalalaro ko na. Palaging si Drake ang makakasundo ko sa ganitong bagay.
"Yes... and guess what?"
"What?"
"Libre lang ito kapag naglaro ka sa lunes ng umaga," sabi niya sabay kiskis ng kanyang mga kamay.
Libre?!
"Talaga?!"
I can't wait to play that game!
"Yeah, Hedalgs. Kaya hindi mo na kailangang i-libre ako kasi libre na. HAHAHAHA!" sabi nya sabay tawa nang malakas. Palagi ko kasi siyang nililibre sa tuwing may bagong VR game para makapaglaro kami.
"HAHAHA! Mabuti naman kung ganun!" pabiro kong saad.
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Drake. Nag one-on-one pa kami sa basketball at syempre, panalo ako. Pagkatapos ay nagpaalam na siya at ako naman ay nagdesisyon na bumili ng masusuot para mamaya.
LEIGHTON WAJEEH
PAULIT-ULIT kong tiningnan ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin sa aking kwarto. Kanina pa ako dito---mga kalahating oras na. Ewan ko kung bakit. Paulit-ulit kong inayos ang kwelyo ng aking suit, yung buhok ko, at iba pa.
BINABASA MO ANG
WITH EYES TO THINK (Completed)
Misterio / SuspensoMystery, confusion, deception, lies---name everything, Leighton Wajeeh has experienced it all. How could he manage to handle all of them, especially, when the people around him had their deepest secrets? As the world seems too cruel for him, all he...