CHAPTER 31: CLOSE TO JUSTICE

8 2 0
                                    

CHAPTER 31

LEIGHTON WAJEEH

TOMORROW IS the Acquaintance Party of Levióur Seijin Academy. And because faculty and staff are busy for the preparation, walang pumasok na guro. And because of that, we decided na pumunta muna sa dalampasigan malapit-lapit lang sa LSA.

And speaking of Acquaintance Party, kailangan ko pala ng partner bukas.

I look at Eun-ji who's busy talking with Misa Vanya while Yuna on their side just listening to them. How can I approach her to be my partner?

"Dude, hali ka na! Kailangan mo 'tong makita. Grabe, ang ganda ng dagat!"

I was silently sitting on the sand nang biglaang sumigaw si Harry.

Tumango lang ako sa kanya. "Mamaya na, kayo muna," saad ko habang nakatingin sa cellphone para magpa-music.

"Ayaw mo?" pangugulit na naman ni Harry sabay titig sa akin.

"Hmm. Dito muna ako," patango kong saad.

Hindi na naman siya kumibo pa at umalis na kaya binitiwan ko ang cellphone at saka nag-iisip ng mga bagay bagay.

Minsan talaga kapag naramdaman mong mag-isa ka, maiisip mo ang mga bagay na pilit mong tinatakasan. As of the moment, naiisip ko na naman ang case ni daddy. For how many years I've been trying to solve his case and up until now, I've also been failing. Hindi ko alam kung san patungo 'tong landas na tinahak ko sa LSA, pero sana lang... sana lang, makikita ko ang hustisyang nararapat kay daddy. Dati, halos mawalan na ako ng pag-asa. Ngayon, nabuhayan ulit ako. Sana mapanagot ko ang mga may sala. Hindi ko pa kayang harapin ang buong angkan ng Villaluz.

"Hoy!"

Napaigtad ako sa biglaang pagsulpot na naman ni Harry sa gilid ko.

"Oh?" walang ganang saad ko sa kanya. What's the matter with him?

Kumunot naman ang noo nito. "Anong problema, dude? Alam mo, pwede mo naman akong sabihan niyan, eh. Kung hindi mo masabi sa girls, then tayo ang mag-uusap. Lalaki sa lalaki," seryosong batid ni Harry habang tinatapik ang balikat ko. He sat beside me.

I stared at him. Sa tingin ko ay may gusto siyang pag-usapan. He seemed to have sensed that something's bothering me kaya paulit-ulit niya akong nilalapitan.

"'Wag ka nang mahiya Sabihin mo na sa akin," sabi niyang muli at saka mahinang tumawa. "Ah, sige, dude, may sasabihin muna ako sa'yo. Pagkatapos ko ay ikaw naman. Deal?"

He even offered his fist. Napatitig pa ako doon bago ako nag-respond. I bumped my fist to his fist as a sign of deal. I guess hindi naman sigurong masamang mag open-up sa kaniya, right? In fact, I already considered him as a friend.

"Alright, shoot," sabi ko sa kaniya kaagad at nakita ko naman siyang ngumiti.

"Ito kasi---argh! Eh, kasi 'yang kaibigan mo. Damn that Mondragon. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa niya sa akin, Leigh," nakanguso nitong saad. He seemed like a child na nagsusumbong sa tatay niya.

I slightly chuckled. "Oh?" I jested. Alam kong marami pa siyang gustong sabihin. It's nice seeing him like this towards my friend.

"Tapos---tapos, hindi ko talaga alam, Leigh. Nakaka-confused 'yong gestures niya---alam mo ba 'yon? Feel mo ba 'yong gano'n?" tanong niya pabalik and at that moment, bigla kong naisip si Eun-ji.

Yup, I know the feeling. 'Yong hindi mo alam kong trip ka lang ba niya o gusto ka niya talaga. Napakagulo.

"Tsaka, 'yon bang mga pinapakita niya sa 'yo kapag kayong dalawa lang?! 'Yong side na hindi niya pinapakita kapag marami ang tao kasi napakamaldita niya! Pero kapag kayong dalawa lang ang magkasama, nagiging anghel siya bigla tapos---tapos ang sweet niya pa?!" I just lend my ears to him.

WITH EYES TO THINK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon