CHAPTER 30: ANOTHER PROBLEM

12 2 0
                                    

CHAPTER 30

LEIGHTON WAJEEH

Mahina akong napailing nung nabasa ko iyon. What's with our class, really? I just mentally laughed.

"Pwede mu ba akung samahan kung saan itu?" she asked with her accent. From what I heard, it's visayan.

"Sumama ka nalang sa akin. Doon rin naman ang punta ko, eh," sagot ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

"Hala, klasmet ta?! Ah---I mean, magkaklase tayo?!" gulat na sabi niya at nakangiting tumango ako. "Hay, salamat naman kung ganun."

Hindi ko na siya sinagot at patuloy lang ako sa paglakad.

Mayamaya pa ay nagsalita ulit siya. "Nagkita na ba tayo?" biglang tanong niya sakin.

"I don't know. Maybe. Because you look so familiar to me," sagot ko naman sa kanya. She really is very familiar. I forgot when and where did we meet.

"Aha! I knew it! Sa mall. Doon tayo unang nagkita. Remember?" nakangiti sabay taas ng kilay na sabi niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Mall? Oh, right. I remember it now. Siya yung nabangga ko sa mall.

Napatango naman ako. "Oh, right. I remember you," tugon ko naman sa kanya.

"Yes, yes, yow! HAHAHAHA!" sabi niya sabay kumpas ng kanyang kamay na parang nagra-rap.

Natatawang umiling lang ako at habang papunta sa aming classroom, dada nang dada itong babaeng kasama ko na para bang magkakilala na kami nang matagal. Nagpasalamat pa siya sa ginawa ko kanina at nagpakilala siya sa akin.

Matapos ng ilang segundo ay nakarating na kami sa room. Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa. Natuon ang atensyon ng lahat sa babaeng kasama ko pero isang tao ang nakakuha ng atensyon ko.

Si Eun-ji.

Ang sama ng tingin nito sa akin na para akong kakainin ng buhay.

Problema nito?

Pumunta na ako sa aking upuan habang ang babaeng kasama ko naman ay doon muna umupo sa harapan kung saan may bakanteng upuan sa tabi ng blackboard.

Bago ko mailapag ang bag ko, natuon muna ang paningin ko kay Harry na ngayon ay lumalaki ang mga matang nakatingin sa babae na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya. They have shared the same reaction on their faces.

Okay, everybody's weird. What's going on?

Mayamaya pa...

"INDAY?!" sumigaw bigla si Harry dahilan para mabaling ng lahat ang atensyon sa kanya. Pati si Yuna ay napatingin sa kanya.

"Hi, Noy!" sabi ng babae sabay kaway sa kanya.

Inday? Noy?

Magkakilala sila?

Umalis si Harry sa kanyang upuan at nilapitan na sabi nya'y si Inday. At nang makalapit ito sa babae bigla nya itong...

"Bakit ka nandito?!" tanong niya matapos niyang makutungan ang babae. Lahat kami ay nakatingin sa kanilang dalawa.

"Agay, uy! Sinundan ka na nga, nananakit pa!" sabi niya sabay kamot ng kanyang ulo. "Nga pala, Noy, hindi ka matutuwa sa nangyari sa ating paaralan," malungkot na sabi nito.

"Bakit? Anong nangyari sa Vuitres?"

Sasagot na sana ang babae pero hindi niya naituloy dahil pumasok na si Sir Cosido. "Oh? You're already here?" bungad na sabi ni Sir Cosido. Bumalik na naman sa upuan niya si Harry.

WITH EYES TO THINK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon