CHAPTER 34: ACQUAINTANCE PARTY (Eyes)

11 2 1
                                    

CHAPTER 34

YUNA AYANNE

HINDI KO alam kung saan banda nakakaaliw ang parteng ito. Naka-blindfold kami habang naghahanapan sa ka-partner namin. Now tell me, where's the fun there? Tss!

Kanina para naghahanapan ang iba base sa ingay ng paligid. They kept on shouting their partner's name para magkakita sila. Some are whistling, ang iba naman ay kaniya-kaniyang strategy to create any kinds of signal.

Pero ako? Nandito lang. Nakatayo at naghihintay lang kung kailan ako mahahanap ng ipis na iyon. Matapos niya akong i-dedicate sa butsikek na iyon, sa tingin niya ay mag-e-effort akong mahanap niya ako? Bahala siya. Mahahanap niya naman siguro ako kapag natapos ang lahat.

"Mondragon!" rinig kong sigaw ni Harry. Kanina ko pa siyang narinig.

Sabi ko nga, hindi ako mag-e-effort para mahanap niya ako.

Bahala siya!

HARRY JEFSOVILE

"Aray!"

"Mondragon!"

"Aray ko!"

"Mondragon! Yuhooo~"

"Aray!"

KANINA PA ako may kabungguan. Kanina pa ako tumatawag kay Yuna pero hindi ko pa rin niya ako sinasagot. Putspa! Nasaan ba ang Mondragon na iyon?

"Mondragon!" sigaw ko ulit pero walang sumasagot na Yuna.

Saan ba siya naka-pwesto? Sa kabilang lugar ba, kaya hindi niya ako marinig?

Kanina pa ako nakarinig ng tawanan. Mukhang nahanap na nila ang kanilang partner. Sina Leigh at Eun-ji ay nagkahanapan na rin kasi narinig ko rin sila.

Eh, ako? Wala pa rin! Grabe. Ang galing mag-effort ng partner ko, 'no?

Kanina pa ako lakad ng lakad. May time nga na nalalagpas ako sa boundary kaya pinapabalik ako ng student council.

"Mondragon! Huy!" sigaw ko ulit. Halos mamaos na ang boses ko sa kakasigaw. "Huy, magsalita ka nga Mondragon!"

At mukhang boses ko nalang ang nangibabaw ngayon.

I took a deep breath. "MONDRAGON!!!" I shouted.

"Tss."

Mayamaya ay biglang nabuhay ang diwa ko nung marinig ko iyon. Alam kong sa kanya galing iyon! Walang iba kundi siya lang!

Malapit lang ang boses na iyon. Pumunta ako sa gawing kaliwa ko kung saan ko narinig iyon.

Nakarinig ako ng hiyawan at tilian. "Yieeeee, malapit na!" sabi ng ibang tao.

Malapit na? Alright maybe I'm on my right track.

Binilisan ko ang paglakad hanggang sa...

"Aray!"

"Ouch!"

May nakabungguan ako. And I know who it is.

Agad kong tinanggal ang blindfold ko. "Yuna!" sabi ko at agad siyang itinayo. "Finally nahanap rin kita."

"Tss," iyon lang ang nasabi niya.

Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit dahil sa wakas ay nahanap ko na siya. Ang tagal rin, ah?

Nakarinig kami ng ingay sa buong paligid. "Yiieeeee!"

"L-Let go of me, you cockroach," sabi niya, rolling her eyes.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin sa paligid. And then I realized...

Kami nalang ni Yuna ang nasa gitna.

WITH EYES TO THINK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon