CHAPTER 27: HE IS BACK

9 3 0
                                    

CHAPTER 27

HARRY JEFSOVILLE

PAGKABABA KO ng aking kwarto ay nakita ko kaagad si mama na nakaupo sa dining table.

Agad akong umupo doon. "Ma, aalis po pala ako. May dadalawin lang kami sa ospital. Nagkasakit kasi yung isa naming kaibigan," sabi ko agad habang sinisimulang sunggaban ang pagkaing nasa harapan ko.

"Sinong kasama mo roon? Sina Gavin?" she asked while chewing her food. Umiling ako.

Si Drake ang tinutukoy niya. Hinango niya ang tawag na iyon sa apilyedo ni Drake na Galvan. In short and social way, Gavin.

Hanep ng Mama ko, 'di ba? Parang Jazz, may pa-witty witty pang nalalaman. Feeling highschool chic kung maka bigay ng pangalan. Dinaig niya pa ang tawagan namin na galing lang sa apilyedo namin---Pineds, Galvs, Simps, Domings.

"Ah, hindi, ma, yung bagong kaibigan ko sa school. Sina Leigh at Yuna---" Bigla na lamang natigilan si Mama kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Hindi ko alam pero biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni mama. "Ayos ka lang, ma?" nababahalang tanong ko.

"U-Uh, n-nothing. Sumikip lang bigla ang dibdib ko," sabi niya sabay hawak ng kanyang dibdib. Agad akong lumapit sa kanya at hinaplos-haplos ang kanyang balikat. "S-Saan ka pala nag-transfer? Bakit hindi ko alam?" mahinang sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Sa LSA, ma. I thought papa already told you about that matter," sagot ko sa kanya. Hindi ko mawari ang kanyang ekspresyon sa mukha.

"Next time, inform me," mahinahong sabi niya na ikinaginhawa ng loob ko. "Continue to eat your breakfast. Finish it. Baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo. I'm fine now."

"Are you sure, ma? Tawagin muna natin ang Doctor mo," nag-alalang tanong ko.

"I'm fine, anak."

"Talaga?"

Tango lang na may halong ngiti ang isinagot niya sa akin. Hindi na ako nag-atubili pa at agad akong bumalik sa upuan upang tapusin ang aking pagkain. Matapos kong kumain ay niligpit ko agad ang hapagkainan.

Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay Mama at nagtungo sa aking sasakyan upang magmaneho papuntang ospital.

Ang ospital kung saan naka-confine si Andrew ay parehas lang rin kung saan naka-confine si Eun-ji. Yes, Eun-ji's in the hospital right now dahil masama ang pakiramdam niya. Napansin namin iyon kahapon. Kaya through texts, we exchanged messages na dumiretso na lamang doon.

Pero bago pa man ako makarating sa ospital, nakuha na naman ang atensyon ko sa kumpol ng mga susi. The keys that I got noong pag-sabotage namin ni Yuna sa illegal transaction.

May kakaiba talaga sa mga ito. I don't know what but my guts are telling me that these are very important. I wonder if the owner are looking for these keys. Probably, not, because they are enjoying their lives in prison.

Ano kaya ang pwedeng gawin ko dito? Baka mapahamak ako nito. Ano kaya kung ipaalam ko ito kina Leigh? Baka matulungan nila ako. O hindi kaya kina Drake muna dahil mukhang mas may alam sila patungkol sa bagay na ito dahil mga laking kalye sila. At kaya nilang makipaglaban kung kinakailangan.

Itinago ko muna nang maigi ang mga susi sa box sa ilalim. And then moments have passed, narating ko na ang hospital.

LEIGHTON WAJEEH

UMALIS NA ang Mommy ni Eun-ji na si Tita Sahara dahil may lakad daw ito. Nanatili kaming lima dito nina Yuna at yung tatlong kaibigan ni Eun-ji sa kanyang kwarto para bantayan siya. Sinabi na rin sa amin ng doktor ang kalagayan niya at wala raw kaming dapat ikabahala dahil normal fever lang daw iyon.

WITH EYES TO THINK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon