CHAPTER 26
LEIGHTON WAJEEH
HINDI KO alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Ang nais ko lang ngayon ay maibuhos lahat ng mga nararamdaman ko.
Seems Iike my world turned upside down dahil sa nalaman ko kanina, most especially about Yuna's case--- that my childhood friend was already dead and then she kept that secret from me the whole time.
Ganun lang ba kadali sa kaniya ang magtago ng sikreto? The secret that creates a big difference yet she hid it from me? Nagmumukha akong tanga.
I know I have no right to be upset cause if she's telling the truth about them being twins, I know she suffer a lot more pain than me.
But...
I exhaled deeply. 'You need to calm yourself now Leigh.' I said to myself while walking. Kung saan? I don't know. I just wanted to have a place where I could find my senses.
At sa paglalakad-lakad ko, hindi ko namalayang napunta na pala ako sa isang bangin. In which, isang waterfalls na ang nasa ilalim ay napakalawak na dagat. Hindi tulad ng setting kanina, mas maaliwalas dito. Wala kang ibang maririnig kung hindi ang mga nakakahalinang awit ng mga ibon sa paligid at ang mga hampas ng tubig sa kapwa nitong tubig. Maganda rin ang tanawin na kung aakalain mo'y nasa paraiso ka. Pero hindi ako pumunta dito dahil sa magagandang tanawing ito. Pumunta ako dito para mapag-isa at magbuhos ng galit.
Gusto kong mapag-isa. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, kasingbigat ng mga tubig na umaagos sa ibaba. Parang gusto ko ngang tumalon, pero para saan pa?
I closed my eyes for a while. "Bakit pa kailangan mangyari ito---!" I shouted in rage, ngunit nasamid ako bigla pagkadilat ko sa kalagitnaan no'ng napagtanto kong may dalawang lalaking nakatingin sa akin sa gilid. Nakatingin lang sila sa direksiyon ko habang bitbit ng binatang lalaki--- mukhang kasing-edad ko lang---ang mga nakataling isda at dala naman ng isa pa ang pamingwit.
"Kage, hali ka na at baka hinihintay na tayo ng iyong ina," sabi ng lalake na wari ko'y ama ng binata.
Hindi ko nalang pinansin ang pagkahiya ko at hinayaan silang tingnan ako. Inalis ko sa isipan ang presensya ng dalawa at bumuntong hininga nalang muna bago ipinikit ang aking mga matang muli, and feel the wind that suddenly touches my skin. I tried to calm myself.
'Bye, Akira!'
'Bye, Akira!'
'Bye, Akira!'
Paulit ulit na umuugong sa aking tenga ang huling salitang binitawan ni Khora. Huling salitang lalong ikinataka ko.
Akira, the Great hacker. She's supposed to be a myth from Japan. So, she's that Akira, huh?! Is that really true? Just cool, Yuna. All I wanted for now is your explanation. Your reason why you kept those secrets from me.
"Pare, ayos ka lang?"
I immediately opened my eyes noong narinig ko ang boses na 'yon. Dahan-dahan akong tumingala muna sa langit. Tiningnan ko ang liwanag ng araw na tila ba tinitingnan rin ako. Sinulyapan ko ang aking relos at nakita kong alas 7 na pala ng umaga. Alas 10 y medya ang kasal ni Miss Gomez.
Pagkatapos ay hinarap ko ang nagsalita kanina. Ang binatang may dalang mga isda. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
"Ako nga pala si Kage Cortes. Ikaw, anong pangalan mo?" wika nito.
I stared at him for a while at pagkatapos ay tinanggap ko ang kaniyang kamay na inilahad niya bilang pagpapakilala. Masasabi kong sanay siya sa mahihirap na gawain base sa roughness at tigas ng palad niya.
BINABASA MO ANG
WITH EYES TO THINK (Completed)
Mystery / ThrillerMystery, confusion, deception, lies---name everything, Leighton Wajeeh has experienced it all. How could he manage to handle all of them, especially, when the people around him had their deepest secrets? As the world seems too cruel for him, all he...