CHAPTER 18: THE RIGHT HANDS

8 3 0
                                    

CHAPTER 18

LEIGHTON WAJEEH

'Leigh!' sigaw ni Yuna pagkatapat niya sa pintuan. We were both 5 years old. We played together with my stuffs in my house everyday.

'Yuna!' masayang bati ko rin sa kanya.

'Let's play outside,' she said to me.

'Kung papayag si Mommy,' nakanguso kong sagot sa kanya.

Natahimik siya saglit pagkatapos ay, 'Tita Sab!' biglang siyang sumigaw kaya takang lumabas si Mommy mula sa kusina.

'What is it, Yuna?'

'Can we play outside? Please, please, please, pleaseeee...' pagmamakaawa ni Yuna, nagpakita rin siya ng napakakyut niyang eye-blinks.

'In such a cutie face? How could I say no? But, be careful. Okay?'

'Yey!' sigaw namin ni Yuna pareho.

Dali-dali kaming lumabas ng bahay at naglaro kami sa labas ng kahit na ano. Nasa kalagitnaan kami ng aming pagpapahinga nang biglang tumayo si Yuna.

'Zhav!' bigla siyang sumigaw sabay kaway. Tiningnan ko naman kung sino ang kinawayan niya. Si Zhavira!

Ngayon, kompleto na ang squad.

Kumaway din siya sa gawi namin at tumakbo sa aming pwesto. 'Anong ginagawa n'yo?' masiglang tanong niya.

'We're playing. You want to join?' sabi ko sa kanya.

'Sige. Anong lalaruin natin?'

'Hide and seek nalang.' suhestyon ko.

'Sige!' sigaw nilang pareho.

At sa minamalas-malas ay ako ang taya. Agad kong ipinikit ang aking mga mata sa likod ng punong-kahoy.

'Pagbilang kong lima nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat... lima!' Inimulat ko na ang aking mga mata matapos kong magbilang. At nagsimula nang maghanap.

Ilang sandali ay may nakita akong gumalaw sa likod ng bush. Tinititigan ko ito at pagkatapos ay may napagtanto ako.

'Huli ka, Yuna!' sabi ko saka tumakbo sa punong pinagbilangan ko kanina at tumakbo rin siya. Dali-dali kong hinawakan ang punong kahoy, nagpapahiwatig na na-save ko na ang pangalan niya sa puno. Na nahuli ko siya.

Ngumuso naman ito saka umupo nalang.

Matagal kong nahanap si Zhavira. Mga ilang minuto pa ay may napansin akong gumagalaw sa may bandang puno. Tinitigan ko pa itong mabuti.

WITH EYES TO THINK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon