CHAPTER 13
HARRY JEFSOVILE
HALOS LUMIPAD ang kotse ko sa pagmamadali ko. Putik, I'm surely gonna be late!
I arrived in front of the Royal Town House in 30 minutes. Dali-dali akong nag-park ng aking sasakyan at pumunta agad sa reception table.
"Good eve---"
"Where I can find the function hall?" I asked the staff immediately. Napatulala pa muna siya at biglang yumuko. Please, answer immediately. I am 28 minutes late!
"E-E-Eighth floor, room number 504, sir," she answered, bowing her head. Na-offend ko ata siya no'ng pinutol ko ang bati niya kanina. Well, pasensya na pero may party pa akong hahabulin.
I immediately went to the elevator and pressed the number 8 in the buttons. Paglabas ko ng elevator ay marami-rami na rin ang nakikita kong naka-formal attire. Sa dulo ng hallway ay may nakabukas na double door. Para itong maindoor sa isang mansion. Lumalabas din mula sa loob ang iba't ibang kulay ng ilaw.
I looked for my invitation card on my pocket and I gave it to the two guards standing on both sides of the said door.
Unang hakbang ko lang ay nararamdaman ko na ang vibes sa loob. I am walking in a red carpet right now. I then gazed my sights from every corner of the wide room. Malaki ang room na ito. Parang sakop nitong room ang buong 8th floor. May mga mesa sa likod na may kasalukuyang kumakain at may maliliit din na tables for drinks only sa may harapan.
I saw a few circles of adults on different corners but mostly, there are circle of friends that is as old as me. They might be her classmates or whatsoever.
"There he is. The last dance of our very own debutant, Harry Jefsoville Hedalgo! We can now proceed to our debutant's 18 roses." Napatingin ako bigla sa nagsalita sa may platform. He did mentioned my name kaya napahiya nalang ako ng kaunti. Kaunti lang naman.
So, ako nalang pala ang hinihintay nila para simulan ang 18 roses dance. Uhhh! Nakakahiya.
Naupo na lang muna ako sa likod habang isinasayaw ni Eun-ji ang first dance niya. Napatingin ako sa kanilang dalawa habang sumasayaw. After a minute, another guy danced with her.
After a minute or two, I heard a growl---wait. Was it my stomach?
I looked around, hoping no one heard it. I forgot, hindi nga pala ako nakapaglunch kanina dahil sa nangyari doon sa park plus the scenario inside the couture shop! I only ate my breakfast by 11, pero hindi pa iyon ang lunch. Hays, Nakakahiya pa namang kumuha ng pagkain.
Biglang sumagi si Yuns sa isip ko. Saan na kaya ang Mondragon na 'yon? Was she one of these crowds?
Lumingon-lingon pa ako sa paligid para hanapin siya. Pero kahit maikot ko na ng 360 degrees ang ulo ko ay wala pa rin akong nakikitang Yuns sa paligid.
Mula sa pagkakaupo, nahaharangan na ng ibang umiinom ng drinks sa harapan ko ang view kung saan sumasayaw si Eun-ji. I moved myself to find a comfortable angle. Pero sa halip na makita ko si Eun-ji ay natanaw ng dalawa kong mata ang pigura ni Yuns. Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo.
Kakalabas niya lang mula sa isang room. At hindi siya mahirap hanapin dahil nakasuot siya ng royal blue dress---Aba! Eh, party breaker din pala itong si Mondragon bukod sa pagiging suplada niya. Simpleng theme, 'di pa masunod.
Nasa ganoon pa rin akong position when everything seems to move slow. I only see her in the middle of the silvers and blacks. Her dress became eye-catching. She's walking---wait, outside?
BINABASA MO ANG
WITH EYES TO THINK (Completed)
Mystery / ThrillerMystery, confusion, deception, lies---name everything, Leighton Wajeeh has experienced it all. How could he manage to handle all of them, especially, when the people around him had their deepest secrets? As the world seems too cruel for him, all he...