CHAPTER 19: EXPELLED

9 3 0
                                    

CHAPTER 19

HARRY JEFSOVILE

"I GOT THIS feelin', inside mah bones. Ehgowz electric wavy wena turn it on~" I sang habang inaangat-angat ang kanang kamay kong nakahawak sa test tube na may lamang likido. Kumembot-kembot pa ako ng konti para mas dama ko ang kanta.

We're here at wet laboratory inside the school, having our third activity. I found myself sitting here in the last row and in the last column. Meaning, I'm in the corner. And I can do whatever I want because no one could ever notice me here doing something. I hope this one would be perfect.

"All through mah city, all trough mah---"

"Shush, noy. Hilom ra!"

(Shush, noy. Tumahimik ka nga!)

Napatigil ako bigla sa pagkanta dahil bigla nalang akong sinita ng kikay kong kaibigan na nasa kaliwa ko nakatayo, si Inday.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay dahil hindi ko mawari kung ano man 'yang pinagsasabi niya. Laking Cebu si Inday, lumipat lang sila dito para sa pag-aaral niya. Ang totoo niyan, ang pangalan nya ay Misa Vanya Ambrad. Inday ang tawag sa kanya ng pamilya niya dahil siya ang bunsong kapatid. Inday sa Cebu ay nakababatang babae. Noy rin ang tawag niya sa akin dahil mas matanda raw ako sa kanya. Kung susukatin ko ang taas niya, siguro sa may bandang kili-kili ko lang siya. Not gonna lie.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, Inday?" takang tanong ko habang nasa table ang buong pokus ng mukha ko.

May isang beaker na nakalapag sa mesa na may lamang pulang likido. Hindi ko na talaga inalam kung anong tawag dito as long as naaamoy ko, nakikilala ko na ito kaagad. I knew every chemical usage, not by its name, but by its smell. Mula sa hawak-hawak kong test tube, dahan-dahan kong ibinuhos ang laman nito sa beaker, gusto kong malaman kung anong kalalabasan ng eksperimentong ginagawa ko.

I hummed a little bit pero bigla akong napadaing nung bigla akong binatukan ni Inday. "Aray—!"

"Kahibaw ka? Ganiha saba kaayo ka sige ug kanta. Ka bati raba ug tingog murag kanding gituok, naa pay pinasayaw mura jud og wati giyab-ag suka. Unya karon magsagol-sagol ka anang kemikala nga wala ta kahibaw basin mang lupad ta ani gikan diris city padong pikas buntod. Tingali ug nakalimut ka nga kaduha nana nimo buhata na gipabuto nimong lab, Noy, sa pagsagol-sagol nimog bisag unsa nga kemikal? Basin karon abo nalang atong puniton unya aning skwelahan nato. Sos marisip!" aniya pero sa lahat ng iyon, city lang ang naintindihan ko. Hays! Bungangera talaga nito.

(Alam mo? Kanina lang ang ingay-ingay mo. Pakanta-kanta ka pa, ang pangit naman ng boses mo parang kambing na sinasakal. May pasayaw-sayaw pang nalalaman para namang uod na binuhusan ng suka. Tapos ngayon may pahalo-halo ka pa ng kemikal na hindi natin alam kung anong maaring mangyari niyan. Baka mag-siliparan tayo mula dito sa city hanggang sa kabilang bundok. Baka nakalimutan mong pangalawang beses mo nang pinasabog itong lab, Noy, dahil lang diyan sa paghalo-halo mo ng kung ano-anong kemikal. Baka sa pagkakataong to, abo nalang ang mapulot natin sa skwelahang 'to!)

Hindi naman nakaagaw pansin sa mga kaklase namin ang pagsesermon niya dahil pati sila ang lalakas ng boses, hindi ko alam kung bakit.

"Inday, alam ko namang pogi ako, pero pogi lang po ako, wala akong bitbit na translator. At kung nagko-confess ka man ng feelings mo para sa akin, mag-tagalog ka nalang para magkaintindihan tayo. Pwede naman nating idaan sa maayos na usapan ang lahat, Inday," sabi ko habang patuloy na binubuhos ang lahat ng laman nitong test tube na hawak ko.

"Hoy, ang kapal talaga ng mukha mo. Sinasabi ko lang naman na itigil mo na 'yang ginagawa mo at baka madamay pa ang ibang ka-grupo natin, baka itlog na naman ang Makilya Cuba!" mariin niyang sabi. Makilya Cuba is our group name. Ewan ko ba kung saang lupalop ng mundo nila 'yan nakuha.

WITH EYES TO THINK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon