CHAPTER 25: SOLUTION

38 5 0
                                    

🚪M Y  B O Y  N E X T  D O O R🚪

🍂CHAPTER 7.1: "S O L U T I O N" 🍂

Ngtitinginan sa may salamin ng sasakyan si anthony at tine ng biglang.

"hmphh! Magtitinginan nalang ba kayo? Mag usap kaya kayo. Sambit ni aldrin na kanina pa naiirita sa dalawa.

" sir anthont, binihisan mo ba talaga ako kagabi? Tanung ni tine sa kanya

"hay!! Wag kang mag alala wala naman akong nakita nagpatulong ako sa kapitbahay natin na bihisan ka.. Isa pa may ganyan din naman ako bakit ka pa mahihiya pilyong sambit ni antony..

Napapikit nalang si tine dahil minsan hindi na nya niintindihan si anthony kung inaasar nya lang ito o kamanyakan lang talga ang nasa isip nya...

"talaga ba!! Alam mo anthony isang isa nalang kakasuhan na kita ng... Wag na nga... Magdrive ka na kuya aldrin.

Natatawa nalang si aldrin sa dalawa. Atleast hindi na cold ang moment nila sa sasakyan my asaran na ulit na nagaganap..

Mejo late na silang nakapasok nun kaya pagdating nila nadatnan nila ang kaguluhang nagaganap sa loob ng shop

May isang lalaki kasi doon na nagagalit dahil mali daw ang detail ng order nya.

"talaga bang dinoble check nyo yong mga detalye na sinabi ko? Tata** ta** pala kayo akala ko ba la vida ang the best selling flower shop bakit ganito tanung ng lalaki

" sir yan naman po talaga ang order nyo ehh inulit ko pa nga po sir. Pero kung ayaw nyo po papalitan ko nalang sambit ni abegail sa lalaki

Nakatingin lang muna si anthony nun..

" ibalik nyo nalang yong binayad ko dapat doblehin nyo dahil mga ta** kayo.. Sambit nanam nito.

Naiinis na noon si tine dahil sobra na magsalita ang lalaki puro masasamang salita ang lumalabas sa bibig nito...

" tine stay calm ako na kakausap sambit ni anthony...

" excuse me, anung problema? Ako po ang may ari ng shop pagpapakilala nito..

"ahh tamang tama pala dating mo dapat sinesesante mo ang trabahador na ganyan mali mali ang sinasabi sambit ng lalaki.

" kalma lang po kayo sir harassment na din po kasi yang ginagawa nyo. Isa pa may tamang process po kami para sa kamaliang nagawa namin. Hindi din ako ngtatanggal ng empleyado basta basta ng wla akong sapat na dahilan para gawin yun. Alam po nakin na costumers is always right pero gaya po ng sinabi ko may procesa po kami. Matagal na si abegail samin. At kapag napatunayan ko na ngkamali sya patawarin nya ako pero tatanggalin ko sya. Napayuko nalang si abby sa narinig at  kapag kayo naman sir ang ngkamali wala po kaming babayaran sa inyo at kami pa po ang magsasampa ng kaso sa inyo dahil sa nga badwords na sinabi nyo sa empleyado ko maliwanag po ba. Isa pa sir mababaned po kayo sa la vida. Tugon naman ni anthony.

"call! Triplihen nyo balik ng pera ko kung nagkamali yang sales lady nyo na parang walang pinag aralan pang iinsulto pa ng lalaki.

Naiiyak na si abegail noon dahil sa mga naririnig...

"jake, alam mo bang ioperate ang telephone calls? Alam ko kasi may recording tayo ehh. Abegail give me the details of this costumer anung oras sya tumawag sambit nito.

Lahat ng gustong malaman ni anthony ay sinabi na ni abegail...

Until theyve found the conversation at pinalakasan pa nga ni jake ang recorded details ng flower arrangement na gusto ng lalaki...

Napayuko nalang ang lalaki ng marinig ang lahat ng sinabi nya.

"so sir sino po ngayon ang ngsasabi ng totoo?? Sino po ngayon ang ta***at bo**, ang ayaw ko sa lahat yong iniinsulto ang mga taong akala nyo mas mababa ang pinag aralan kesa sa inyo. Graduate si miss abegail ng EDUCATION AT LET PASSER din, na mas piniling magtrabaho sa kompanya ko. Dahil sa respeto nya sa lolo ko. Sana po matuto din po tayong rumespeto kahit po costumer kayo. Kasi hindi naman po purket sya na yong ngbibigay ng costumer service sayo pwede mo syang laiitin at ibaba. Sir tao din po kami maaring may pagkakamali minsan hindi po purket ngtatrabaho na kami at kayo ang costumer dapat kayo nalang yong masususnod sir, lahat po ng tao dito may damdamin din na nasasaktan. Opo costumer is always right pero hindi sa lahat ng oras. Kahit nakikita nyo kaming ganito pwede na kayong mang apak sana po naiisip nyo na pare pareho lang din tayo lahat.. Tao lang na nagkakamali. Abegail.. Anung gusto mong gawin natin kay sir.. Tanung ni anthony sa kanya....

"po! Gulat na sambit ni abby

" hindi pwedeng di nya pagbayaran ang pang iinsulto nya sayo  tama naman ang order detail na ginawa mo at sya ang mali... Sambit ni anthony sa kanya...

"sir. Okay na po! Tugon ni abegail.

" okay na?? Abegail ininsulto ka nya.
Sambit ni anthony

"sir ba--bayaran nya nalang po yong bulaklak yun nalang. Okay na po yun sambit ni abby.

" sure ka you will not sue him pwede kitang bigyan ng abogado or ako nalang magiging abogado mo. Aside from being a, mangement grad. I also took law... Sambit ni anthony..

" sir pasensya na po kayo. Ngbreak na po kasi kami ng girlfriend ko kaya hindi ko na sana ipapatuloy ang paggawa kaso nakita ko na tapos na gusto ko lang sana mabawi ang pera ko..

"naiintindihan kita pero mali ang paraan mo sir, pwede mo naman ipakancel ang order sir ngrerefund naman kami ehh. Wag yong iinsultuhin nyo yong empleyado ko at mumurahin nyo pa. Sir alam ko na broken hearted kayo pero sana wag nyo po ibunton sa iba. Okay na po sir. Kunin nyo na ang bulaklak bigay nyo nalang sa mama nyo. Lahat naman po ng problema may sulusyon ehh...

Napapangiti nalang si tine sa ginwa ni anthony dahil nakita nya kung paano ipagtanggol ni anthony ang staff nya...

TO BE CONTINUED

𝓜𝔂 🅑🅞🅨 𝗡𝗘𝗫𝗧 𝓓𝓸𝓸𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon